MANILA, Philippines - Magpa-file na pala ng annulment si Paolo Contis. Kuwento ng isang source, nakikipag-usap na sa kanyang mga abogado ang aktor para mai-file na sa korte ang annulment nila ng asawang si Lian Paz.
Hindi pa natatagalan nang maghiwalay ang dalawa. Parang three months pa lang ang nakakaraan nang magsalita sa media si Lian at kumpirmahin ang nangyari sa kanila.
Ang misis niyang si Lian ang naunang nagsalita tungkol sa kinahinatnan ng pagsasama nila. Sinabi niyang hindi niya (Lian) alam ang rason pero lumabas din na pera ang ugat ng lahat at sinasabing may third party na idinenay naman ni Paolo.
Gusto raw makuha ni Paolo ang custody ng dalawang anak na babae ayon sa source.
May ilan pang umasang magkakabalikan sila, pero kung annulment na ang pinag-uusapan wala na itong pag-asa.
THY WOMB NI NORA AUNOR, GRADED A SA CEB!
Naka-A sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Thy Womb ni Nora Aunor na isa sa walong kasali sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2012.
Nauna nang pinupuri-puri ang pelikulang dinirek ni Dante Mendoza sa Venice Film Festival.
Ang Thy Womb ang kauna-unahan sa walong MMFF movie na ni-review ng CEB.
ARA LOPEZ WAGING BEST ACTRESS SA CINEMA ONE
Ang anak ni Isabel Lopez na si Mara Lopez ang tinanghal na best actress sa ginanap na awards night ng Cinema One Original 2012. Nanalo siya para sa pelikulang Palitan.
Narito ang listahan ng ilan pa sa mga nanalo sa Cinema One Originals.
SUPPORTING ACTOR
Nicholas Varela for Aberya
SUPPORTING ACTRESS
Ria Garcia for Melodrama Negra
BEST ACTOR
Alex Medina for Palitan
BEST ACTRESS
Mara Lopez for Palitan
BEST DIRECTOR
Kevin Dayrit for Catnip
BEST PICTURE (Cinema One Currents category)
Pascalina
Ang 2012 Cinema One Originals Festival ay tatakbo mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 9 sa Robinson’s Galleria Movie World at mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 4 sa Edsa Shang-ri La Cineplex.
Nagbibigay sila ng budget sa mga pelikulang kasali at bilang kapalit, pag-aari na nilang lahat ang mga pelikulang ginawa.
PAGBUBUNTIS NI KATE MIDDLETON IPINAGBUBUNYI
Buntis na pala si Kate Middleton. As if affected tayo sa pagbubuntis niya. Hahaha.
“Their Royal Highnesses The Duke and Duchess of Cambridge are very pleased to announce that The Duchess of Cambridge is expecting a baby,” ayon sa spokesperson ng mag-asawa. “The Queen, The Duke of Edinburgh, The Prince of Wales, The Duchess of Cornwall, Prince Harry, and members of both families are delighted with the news,” sabi pa ng spokesperson.
Pero nahihirapan daw sa paglilihi si Kate at kasalukuyan itong naka-confine sa London Hospital.
“Her Royal Highness is expected to stay in hospital for several days and will require a period of rest thereafter.”
Kinasal sila ni Prince William noong 2010.
Hindi lang ang British Royalty ang nagbubunyi sa pagbubuntis ng Duchess of Cambridge.