Rayver pagod na sa kaka-deny ng break up nila ni Cristine

Itinanggi ni Rayver Cruz ang balitang hiwalay na sila ni Cristine Reyes. Natatawa na lamang ang aktor dahil sa kawalan ng maibabalita tungkol sa relasyon nila at dahil sa very smooth ang takbo nito kung kaya puro kanegahan ang naiisip ng marami tungkol sa kanila. Nakaka-limang ikot na ang sinasabing paghihiwalay nila pero walang pagod sa pagde-deny ang magkarelas­yon.

At kahit napapagod din si Rayver sa kade-deny, afraid naman siya na baka paniwalaan ng marami ang sinasabing breakup nila kung hindi sila iimik.

Multi-talented na singer Azrahat Josh nagpapakilala!

Dalawang baguhang singer ang Linggung-Linggo ay inilunsad sa Hard Rock Café sa Makati City. Ang isa ay isang most loved singer ng mga Pilipino sa Hong Kong na nagngangalang Azrah.

Isang beterana sa mga singing contest ang bago at kauna-unahang talento ng Age Productions. Maaga siyang naimpluwensiyahan ng isang kapatid na babae na kumakanta rin. Dinala siya nito sa Hong Kong nang makapag-asawa ito ng isang Chinese.

Bagama’t may pangarap na kumanta professionally, wala sa isip ni Azrah na magiging recording artist siya. Masaya na siya sa piling ng kanyang asawa at ng dalawa nilang anak. Ang kanyang asawa ang kumumbinsi sa kanya na subukang mag-recording para hindi masayang ang kanyang talent. Ang pamilya niya ang pinakamasu­gid niyang supporter.

Isang mag-aaral naman sa UP Diliman ang 19 na taong gulang at kumukuha ng visual communications at nagsilbing front act ni Azrah sa kanyang launching si Josh Limon. Bukod sa pagkanta, isang musikero rin ito. Tumutugtog siya ng piano, flute, guitar, ukulele, at cajon. Kahit komportable siya sa mga pop at ballad, sumusubok din siya ng alternative rock at soul.

Matteo lumaban sa mga German

May panahon naman pala si Matteo Guidicelli, kung gugustuhin niya. ’Yun nga lamang para sa pag-aartista niya at hindi sa love life. Kaya kahit mahirap ang role na nakuha niya para gumanap, hindi sa isang mainstream movie, kundi sa isang indie film na kalahok sa 2013 Metro Manila Film Festival New Wave Section, ang Paglaya sa Tanikala, pinagbutihan niya.

Dual role ang ginagampanan niya, isa ay bilang isang sundalo na lumaban sa mga German bago nagdesisyong mag-pari. Ang ikalawa, isa ng seminarista na gumagabay sa mga bata sa isang ampunan.

Show comments