Kung dati milyun-milyon na Ducati motorcycle, ngayon figurine na lang Marian wala pang isang libo ang regalo kay Dingdong

Kung last year ay ang mamahaling Ducati motorcycle ang regalo ni Marian Rivera kay Dingdong Dantes, this Christmas isang figurine lang na punung-puno naman daw ng pagmamahal.

Minsan ay nakita niya sa Rustan’s ang nasabing figurine - habang namamasyal siya. Nagandahan siya kaya naisipang bilhin at gawan ng dedication. Isang malaking-malaking heart na figurine. “Tapos yung lalaki, buhat-buhat niya ‘yung babae,” sabi ni Marian.

 “Ang corny, pero sabi ko, iibahin ko naman ang strategy. Palaging expensive gift kasi. So, this time, gusto ko, card lang.

“Tuwing makikita kita, palagi akong masaya at saka fulfilled ako sa sarili ko. And I promise to love you forever.’ Yun ang nakalagay,” kuwento ni Ma­rian sa inilagay niyang dedication sa regalong bigay niya sa actor.

Milyun-milyon ang halaga ng Ducati motorcycle eh  itong figurine, malamang wala pa itong isang libo.

Pahabol naman ni Marian hindi lang naman tuwing may special occasion sila nagbibigayan ng gift. Minsan daw pag may nakita siyang type niya for him, binibili niya.

“Saka pag alam ko na pagod siya sa set, ipagluluto ko siya ng banana bread. ‘For you…’ so parang gift na rin ‘yun,” pahabol niya.

Anyway, bibiyahe si Marian sa December 6 pa-Amerika para manood ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas. Kasama niya of course si Dingdong. Pero hindi naman siya puwedeng magtagal dahil may taping siya bago umalis at pagdating na pagdating ng Manila. Pagod lang kung tutuusin, pero ayos na ‘yun sa kanya dahil magkakaroon naman siya ng chance ng makasama ang boyfriend na hindi na halos niya nakikita sa rami ng trabaho lately.

 “Pag-alis ko nga ng December 6  may taping pa ako sa umaga. Pagbalik ko nang madaling araw sa December 12, may taping pa rin agad ako (for Temptation of Wife),” kuwento niya nang makatsika sa party na bigay ng Luminary Management na pinamumunuan ni Popoy Caritativo. (Kasama niyang mina-manage ni Popoy sina   Janice de Belen, Dennis Trillo, Jestoni Alarcon, Martin Escudero, EJ Dee, at Rafael Rosell. 

Ito na ang masasabi ni Marian na pinaka-busy nilang taon ni Dong dahil nga wala na silang oras magkita.

PIRATED DVDs AND CDs, MAY SARILING MALL SA QUIAPO

Wala na talagang solusyon ang malalang problema ng piracy. Sumbong ng dalawa kong kaopisina, shocked na shocked sila na ang dating palengke sa Quiapo ngayon ay isang building na ang mga tinda ay mga pirated DVDs and CDs.

“Maa-amaze ka talaga kasi parang mall ng mga pirated,” simula ng kaopisina kong napasyal sa lugar.

Actually, hindi lang daw ang nasabing building ang heaven ng piracy. Marami pang ibang lugar sa Manila particularly Quiapo.

So asan na ang Optical Media Board? Tahimik sila. Saka wala nang mga balita tungkol sa mga raid.

Or baka naman sumuko na sila sa kakahuli ng mga nagbebenta dahil hindi naman nahuhuli ang mga pinagkukunan ng mga binibenta.

Sana mabantayan nila ang mga pelikulang sasalang sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil ang lalaki nang puhunan ng mga pelikulang kasali kung mapa-pirate naman agad, paano pa sila makakabawi? Minsan pa naman maganda na agad ang quality dahil kahit record sa cell phone, malinaw na.

So dapat tutukan ito ng OMB.

 

 

 

 

 

Show comments