Richard nagpaka-daring at ‘a--hole’ agad sa unang sexy film!

Pati si Richard Gutierrez, na­gu­gulat sa mga eksena niya sa Se­duction ng Regal Entertainment, Inc. dahil ngayon pa lang niya ’yun ginawa. Kaya naman ve­ry excited ito sa magiging reaction ng moviegoers ’pag ipinalabas na ang pelikula sa Jan. 30. Excited na rin itong mapanood ang buong pe­likula, his first sexy movie.

Dalawa lang naman ang kaha­li­kan at naka-love scene ni Ri­chard dito, ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati at ang kaibigang si Solenn Heussaff na rain and fire kung i-describe ni Direk Peque Gallaga pati ang kani-kanilang role. Si Richard nama’y “a--hole”| raw.

First movie ito ni Richard na lumabas siya sa kanyang comfort zone at pumayag pang magpakita ng skin. Sayang nga lang at walang butt exposure ang aktor pero dahil may natitira pang shooting days. Malay natin at sorpresahin tayo ng aktor?

Cesar hindi inayawan ang drama ng Singko

Hindi pala totoong ayaw gumawa ng soap opera sa TV5 si Cesar Montano (hindi namin isinulat ang rason daw nito) dahil kasama siya sa cast ng Never Say Goodbye ng TV5. Hindi pa lang namin alam kung sino kina Nora Aunor at Alice Dixson ang kanyang makakapareha. Introducing dito sina Vin Abrenica at Sophie Albert, winners ng Artista Academy.

Ang taping ng soap at shooting ng The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim ang magpapa-busy kay Cesar dahil hindi lang siya aktor dito, direktor din siya, at kung hindi kami nagkakamali ay siya rin ang sumulat ng istorya.

Nagsimulang mag-shooting si Cesar noong Nov. 26 at nonstop ang trabaho. Natigil lang ng ilang araw dahil umalis si Cesar last Dec. 1 with wife Sunshine Cruz para magbakasyon sa States at manonood sila ng laban ni Rep. Manny Pacquiao.

Pagbalik ni Cesar, magre-resume agad siya ng shooting at tuluy-tuloy na ito hanggang January para sa February playdate.             

Indie film actress pinayuhang ’wag magmadali sa mainstream

For competition under World Cinema Dramatic Competition ang pelikulang Metro Manila sa Sundance Film Festival, gaganapin sa Park City Salt Lake City, Utah. Ang Hollywood actor na si Robert Redford ang president and founder ng Sundance Institute na nasa likod ng Sundance Film Festival.

Isa si Redford sa gustong makita ng aktres na si Althea Vega ’pag nakadalo siya sa film festival na naka-schedule mula Jan. 17-27. Si Althea kasama sina Jake Macapagal at John Arcilla ang bida sa indie film na napili for Sundance sa direction ng Bri­tish director na si Sean Ellis.

Second Filipino movie pa lang ang Me­tro Manila na natanggap sa Sundance, ang una ay ang Ang Pag­dadalaga ni Maximo Oliveros noong 2006 kaya tuwang-tuwa si Althea. Si Althea ang last nag-au­dition sa last day at suwerteng siya ang napili.

Nag-audition si Althea sa role na asawa ni Jake na taga-Mt. Banahaw at siya pa ang pinakahuli na nag-audition at sinuwerteng siya ang napili.                                                                         

Dream ni Althea na maging part ng tele­ser­ye at gumawa ng mainstream movie para mas m­akilala siya pero sabi ng manager nitong si Man­ny Valera, ’wag siyang magmadali dahil dara­ting din ang pinapangarap niya sa tamang panahon.

 

Show comments