Marami ang nagsasabi na makakadalawang taon nang pagtanggap ng award ang pelikulang ginawa ni Laguna Governor ER Ejercito. Kung last year ay naghakot ng award ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa iba’t ibang award-giving body, ganito rin ang nakikita ng maraming nakakapanood na ng kahit trailer pa lamang ng El Presidente — ang pelikula tungkol sa isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating bansa, ang istorya ng kauna-unahang pangulo ng republika ng Pilipinas, ang istorya ni Gen. Emilio Aguinaldo.
Ipinapanood ang trailer ng pelikula sa ilang kagawad ng media para sa kauna-unahan nitong formal presscon at nakita ang magandang potograpiya ni Carlo Mendoza na kinunan sa maraming lugar sa Pilipinas, sa Laguna, Cavite, Bataan, Bulacan, at Pampanga na kung saan ay umikot din ang istorya. Hindi maiwasan na mamukhaan ang maraming malalaking artista na pumayag lumabas sa pelikula kahit maiikli lamang ang mga role nila, tulad ng gumanap sa mga bakbakan sa pagitan ng mga katipunero at mga guwardiya sibil. Hindi sumingil ng malalaking talent fee ang mga nasabing artist, pumayag lamang silang mag-cameo role dahil sa pagkakaibigan. Tulad nina Alicia Mayer, Gloria Sevilla, Jonee Gamboa, Dennis Padilla, Roi Vinzon, Soliman Cruz, Archie Adamos, John Regala, Baron Geisler, Ian Veneracion, Tony Mabesa, Troy Montero, Romel Montano, Joko Diaz, Sunshine Cruz, Will Devaugn, Allen Dizon, Gary Estrada, Jerico Estrada, Felix Roco, Ian de Leon, Mike Lloren, John Arcilla, Wendell Ramos, Emilio Garcia, Allan Paule, Gerald Ejercito, Bayani Agbayani, Ronnie Lazaro, Cristine Reyes, Cesar Montano, Christopher de Leon, Nora Aunor, at si Gov. ER na gumanap ng title role.
Nanghihinayang ang gobernador na hindi niya nakuha ang serbisyo nina Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos, at Robin Padilla. Si Ryan ay may mga kamag-anak na bahagi ng pelikula at Philippine history. Ganundin si Juday na gagampanan sana ang role ni Maria Agoncillo.
Nakita sa trailer na merong kissing scene sina ER at Nora. When asked for his reaction, sinabi ng gobernador-aktor na, “Karangalan kong makahalikan ang isang future National Artist.”
General Patronage ang ibinigay na rating sa pelikula na magiging bahagi rin ng curriculum ng mga eskuwela bilang tulong sa kanilang pag-aaral ng Philippine History.
Kung luma man na maituturing ang istorya ni Aguinaldo, ginawang bago ang soundtrack nito ni Jamir Garcia, ang lider ng grupong Slapshock na siyang nag-compose ng theme song ng pelikula.
Hindi pa tapos ang post-production ng El Presidente pero nakaka-P100M na ang gastos nito.
Alagwa ni Jericho maglilibot sa international film festivals
Mapapanood na rin locally ang ipinagmamalaking kauna-unahang indie film ni Jericho Rosales, ang Alagwa. Napanood ito kahapon sa Shangri-La Mall at, muli, sa Huwebes sa nasabi pa ring sinehan. Pagkatapos nito ay lilibot ito sa international film festivals.
Tulad ng Cambodia International Film Festival, Dec. 7-12; Chennai International Film Festival, Dec. 13-20; Kochi International Film Festival, Dec. 16-24, at Bangalore International Film Festival, Dec. 20-27.