Regine hindi na paos nakakabirit na naman!

MANILA, Philippines - Nakatakdang ilunsad sa Party Pilipinas ang three-part Christmas Special ng programa para sa buong buwan ng December na pinamagatang Party Pilipinas: Dream. Wish. Hope.

Pangungunahan ito ng 2012 Awit awardee (Dangal ng Musikang Pilipino Award) na si Regine Velasquez-Alcasid kung saan matutunghayan ang pagbabalik ang Asia’s Songbird’s. Hindi na siya paos at hahataw sa ‘Dream Team’.

Magpapakita na naman ng galing ang mga kasama sa ‘VOX,’ ang mga divas na nag-umpisa ang mga panga­rap sa pagi­ging entertainer lang pero ngayon ay may pag-asang makarating sa Broadway para sa Miss Saigon.

Ang Rhythm N’ Boys naman ay muling magpapakilig kasama sina Mark Bautista, Gian Magdangal, Kris Lawrence, Down to Mars, and 2012 Awit Awardee (Best Dance Music and Best Vocal Arrangement) JayR.

Ang Sayaw Pilipinas crews ay magpapakita ng mga ma­iinit na sayawan na may touch ng Christmas spirit.

Habang ang Social Media’s new teen sensation is also coming to party, meet Kimpoy Feliciano at kung bakit siya patok ngayon sa internet.

 

Show comments