PIK : Nakunan ng Hot TV ang dalawang malaking concert na ginanap sa SM-MOA Arena nitong nakaraang linggo.
Ang daming mga kilalang celebrities ang nakunan nito sa JLo Concert, at sa nakaraang concert ni Ate Gay ay ang mga nakakatawang ginawa nito lalo na kasama ang mga guests nito, at ang pagdalo ng nag-iisang superstar Nora Aunor.
Bukod pa riyan, may mga kakaibang kuwento pa silang ilalahad gaya ng pamilyang ‘di ordinaryong may mga kotseng pangalan at kakaibang relasyon na mapapanood ngayong hapon.
PAK : Nagulat si Mickey Ablan sa pag-amin ni Iwa Moto na ikinasal sila nung October 19, 2008.
Hindi naman ito ikinagulat ng karamihan dahil marami nang nakaalam pero hindi pa nila inaamin sa publiko. Ngayon lamang ito inamin ni Iwa dahil sa payo na rin daw ng karelasyon niyang si Pampi Lacson para maramdaman daw nito ang tunay na kalayaan.
Pero ang ikinagulat nang husto ni Mickey ay ang kuwentong nabuntis daw noon si Iwa, pero nakunan lang ito.
Napatili si Mickey nang nakausap namin, dahil hindi raw totoong nabuntis niya si Iwa.
Hindi lang daw niya maintindihan bakit kailangan pa raw aminin ito ng FilJap sexy actress.
Nag-file na si Iwa ng annulment para masabing pareho na silang malaya.
BOOM : Suportado ng mga descendants ni Procopio Bonifacio, kapatid ni Andres Bonifacio ang premiere night ng pelikulang Supremo ni Alfred Vargas na ginanap sa SM Fairview kamakalawa ng gabi.
Pati ang mga descendants ni Tandang Sora ay nandun din at hindi raw nila alam kung ano ang naramdaman nila pagkatapos mapanood ang naturang pelikula.
Sabi ng ilang kamag-anak ni Bonifacio, lalo raw silang naging proud na kadugo nila si Andres Bonifacio.
Pinuri nang husto ang pelikula lalo na ang performance ni Alfred Vargas na gumanap bilang si Andres Bonifacio.
Magsisimula na ang showing nito sa lahat na mga SM cinemas nationwide sa December 5