MANILA, Philippines - Sobrang frustrated ang film director dahil puro press release lang pala ang mga sinasabing magaling ang isang young actress. Noon kasing magkatrabaho na sila ay marami pa palang kailangang pag-aralan pagdating sa acting sa big screen ang young actress.
Nalaman ng direktor na sa TV lang pala siya magaling dahil sinanay na kasi na kapag nagkakamali siya ay lagi siyang pinagbibigyan na makunan ulit.
Pagdating kasi sa pelikula ay kailangang marami siyang matutunan kung gusto niyang makilala bilang mahusay na dramatic actress hindi lamang sa small screen.
Ayon pa sa film director, limited ang range of emotions ng young actress at masyadong sarado sa pagbuhos ng kanyang puwedeng maibigay sa mga eksena sa pelikula.
“Nakailang takes si direk sa kanya. Lahat na nga ng dialogues ay ibinigay na sa kanya. ‘Yung leading man niya walang dialogue at makikinig na lang sa mga linya niya.
“Pero napansin ni direk, mas nangingibabaw pa rin ang leading man kahit walang sinasabi. Si young actress parang mine-memorize lang niya ang mga dialogue. Walang halong emotions. Para raw robot na nagsasalita,” kuwento sa amin ng isang crew.
Suggestion ng direktor ay mag-acting workshop muna si young actress bago nila ituloy ang shooting ng pelikula. Kung hindi pa rin gumaling, either papalitan siya o ang leading man na lang ang gagawin niyang bida sa pelikula.