Napakaprangka naman pala ng Singaporean girlfriend ni Christian Bautista. Napanood ko ang guesting niya sa Kris TV at humanga ako sa sabi niya na hindi sila nagkarelasyon ng singer kung wala sa isip niya ang pag-aasawa. Isa ang marriage sa naging consideration niya sa pakikipagrelasyon.
Maganda ng aktres na nakasama ni Christian sa The Kitchen Musical at ngayon ay nagtatrabaho bilang disc jockey sa isang radio station dito sa atin.
Paulo hindi tama ang sinabi
Huwag na huwag mong sabihin Paulo Avelino na wala kang interes sa award at baka isnabin ng mga miyembro ng mga award-giving body ang ginagawa mong pag-arte at hindi ka bigyan ng nominasyon dahilan sa kawalan mo ng interes.
Huwag ka na lang magsalita para hindi mo sila ma-offend and just continue with your good work. Huwag ka namang antagonistic.
Lovi kakayod para kay Grace
Pinupuri ko si Lovi Poe dahil seryoso ito sa sinabi niyang ikakampanya niya si Grace Poe Llamanzares sa pagtakbo nito bilang senador sa eleksiyon. Ipinakikita lang nito na wala ng hidwaan sa pagitan nila ng dating censor chief. At ang magkapatid, saan mo man anggulo tingnan ay dapat lamang nagtutulungan. Mabuhay ka, Lovi!