^

PSN Showbiz

Hindi pang-malaking venue concert ni Ate Gay sa Arena kokonti ang nanood

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ipinagbu­buntis ng former sexy star na si Amanda Page ang kanyang pa­nganay. Matagal nang nag-quit sa showbiz si Amanda na tahimik na namumuhay sa California, USA.

SCENE: Extended hanggang June ang Be Careful With My Heart dahil sa mataas na rating ng morning show ng ABS-CBN.

SEEN: Ang shooting kahapon sa Quiapo, Manila ng The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim.

Si Cesar Montano ang gumaganap na Alfredo Lim sa pelikula ng alkalde ng Maynila na ipalalabas sa mga sinehan bago ang eleksiyon sa May 2013.

SCENE: Matagal nang nagwakas ang Walang Hanggan pero hindi pa tapos ang US Tour ng cast. Ngayon ang Paskong Pasasalamat Show nina Coco Martin, Julia Montes, Paulo Avelino, at Melissa Ricks sa Copernicus Theater, Chicago.

SEEN: Hindi naramdaman ang major concert kagabi ni Ate Gay sa The Arena ng Mall of Asia sa Pasay City.

Hindi pa handa si Ate Gay sa mga concert venue na malaki

SCENE: Hindi nakakatulong si Grace Lee bilang co-host ng Wiltime Big Time dahil wala siyang connect sa viewers ng programa.

SEEN: Mabibili mula ngayon, Dec. 1 hanggang Dec. 7, sa Robinsons Magnolia ang mga personalized Christmas tree nina P-Noy, former President Joseph Estrada, Vice President Jojo Binay, Charo Santos-Concio, Boy Abunda, Kris Aquino, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Gloria Romero, Annabelle Rama, at former Congresswoman Cynthia Villar.

Project ng MOWELFUND ang persona­lized Christmas tree na ipagbibili sa publiko at beneficiary nito ang kanilang mga miyembro.         

 

                                                 

ALFREDO LIM

AMANDA PAGE

ANNABELLE RAMA

ATE GAY

BE CAREFUL WITH MY HEART

BOY ABUNDA

CHARO SANTOS-CONCIO

COCO MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with