Daniel nakakasilip ng oportunidad sa Kapamilya
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatuntong sa bakuran ng Kapamilya Network ang model-actor na si Daniel Matsunaga. Naging panauhin ang binata ni Kris Aquino sa programang Kris TV. Kinabahan daw si Daniel sa kanyang pagbisita sa ABS-CBN.
“I was a bit nervous pero ito first time ko especially dito sa ABS. Ayaw ko naman pumunta dito ng first time then do something… you know. I want to do good. I want to do my best kasi ito ’yung big opportunity sa buhay ko so masaya ako and very honored talaga,” nakangiting pahayag ni Daniel.
Hindi raw eksklusibo ang kontrata ng binata sa ibang TV network kaya malaya siyang nakapag-guest sa nasabing show.
“Yes, I am non-exclusive with TV5. Dati I was exclusive with GMA then nag-transfer ako sa TV5, non-exclusive contract. So, puwede lahat ng networks,” paglilinaw ni Daniel.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang makatrabaho ang ilang Kapamilya stars.
“Anne Curtis, Piolo (Pascual), KC (Concepcion), ang dami. Kim Chiu also, Gerald Anderson, Toni Gonzaga lahat, puwede lahat,” pagtatapat ng binata.
“Kasi lahat sila, they are super sikat. Alam ko silang mga sikat. For me to be working with them will be an experience parang every step that I am taking here in the Philippines is something new in my life. All of them,” giit pa ni Daniel. Aminado rin siyang matagal na niyang gustong makapagtrabaho sa ABS-CBN.
“For me one of the best ’di ba? And everything here, and a lot of people watch ABS, lots and lots of people, so, for me it’s a huge opportunity and I am very happy to be here,” pagtatapos ni Daniel.
Jodi naudlot magka-pelikula kay Richard
Masaya si Jodi Sta. Maria dahil extended ang teleserye niyang Be Careful With My Heart hanggang June next year.
“Siyempre nagsimula naman kami originally na dapat nasa thirteen weeks lang ang Be Careful With My Heart. Hanggang nasa twenty weeks na tayo ngayon, hahaba pa ang show ‘till mid of next year,” nakangiting bungad ni Jodi. “Hopefully, all of us will take advantage of this opportunity para mag-ipon at matutong mag-invest dahil hindi madali ang buhay. At sana mas mahalin natin ang show. ’Yung success ay nasa kamay ng lahat sa atin on and off cam,” dagdag pa ng aktres.
Nagpapasalamat si Jodi sa lahat ng walang sawang sumusuporta sa kanilang programa.
“We’ve been getting really good ratings from day one. So, nag-hold kami ng isang thanksgiving mass para naman magpasalamat sa itaas. Aside from the relationship na nabuo habang ginagawa naming ’yung show, thankful din kami dahil kami mismo naging blessing din sa ibang tao. ’Yun ang pinakamalaking blessing talaga,” nakangiting pahayag ni Jodi.
Samantala, kamakailan ay napabalitang gagawa ng pelikula sina Jodi at ang katambal niya sa seryeng si Richard Yap pero hindi na muna ito matutuloy sa ngayon.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest