Hindi naman kaya makaapekto sa kanyang katayuan bilang isang artista ng TV5 ang gagawing pakikipag-host ni Daniel Matsunaga sa Kris TV?
Nag-guest ito nung Thursday morning sa Kris TV at nagustuhan ito ni Kris kung kaya tinanong nito si Melai Cantiveros, isa niyang co-host, kung gusto nitong makasama ang Brazilian/Japanese actor sa show na nagsabing puwede siya dahil wala naman siyang exclusive contract with TV5. Kaya can we expect to see him on a regular basis sa Kris TV?
Pauleen, ayaw agad mabuntis!
Tulad ni Vic Sotto, walang-walang pag-amin na maririnig kay Pauleen Luna tungkol sa relasyon nila ng TV host. If you want to know anything about them, ibase mo na lang sa nakikita mo. What you see is what you get. Kahit ayaw nilang aminin, ang pangyayaring lumalabas sila at nakikita ng tao ay sapat na para masabing sila na. You just have to wait dahil kung dati ay hindi sila nagpapakitang magkasama sa tao, ngayon unti-unti ay sinasanay na nila ang kanilang nga sarili na nakikita’t pinag-uusapan. In time, dededmahin na lang nila ang mga kakaibang tingin, bulung-bulungan at usap-usapan.
At bagaman at maraming ibang na-link kay Pauleen bago naging sila ni Bossing, never nabalitaan na nagbuntis si Pauleen. Sa parteng ito makaluma pa rin ang magandang co-host ng EB dahil hindi siya magbubuntis hangga’t hindi siya nakakasal. Ayaw niyang magkaroon ng anak out of wedlock. Pero kung mag-aasawa siya, hindi pa ngayon dahil gusto niyang ipagpatuloy pa ang kanyang career. Baka kapag may asawa na siya ay hindi siya payagan ng kanyang magiging asawa na mag-artista pa. Wish niya na mapagpatuloy pa ang trabaho niya sa EB.
Mr. Fu pinatos si Valeen
Hindi mo masisi si Mr. Fu kung magalit siya kapag inili-link siya kay Valeen Montenegro. Unang-una mag-BFF sila at talagang twosome sila, pero para pagbintangan silang more than friends at matsismis pang buntis si Valeen at si Mr Fu ang ama ay over-over na.
“Bakit hindi ba nila alam kung ano ako?,” may pagtatakang naitanong ni Mr. Fu na alam na may sabit na ang friend niya. “Although it’s true na gusto kong magka-baby, gusto kong ako ang makabuntis sa kanya. Chos!!!,” dagdag pa ng nakatutuwang radio host.
Daiana tinalbugan ang tunay na mga Pinoy
Nasa bansa pala si Daiana Meneses. All along akala ko bumalik na siya ng Brazil. Hindi lamang pala siya naririto, may boyfriend pala siyang congressman at engaged to be married na sila.
Isa ang Brazilian beauty sa minamahal ng maraming Pilipino dahil nakita nila dito ang kagustuhang maka-adapt hindi lang ng kultura ng Pinoy kundi maging ng ugali natin. Look at her, ang bilis niyang matutong mag-Tagalog. Marami ang tulad niyang dayuhan na hindi natin kinakitaan ng kagustuhan to really belong. Ang tagal-tagal na rito pero, hindi marunong magsalita ng Tagalog. Pero si Daiana, marami siyang fans at friends from in and out of showbiz. Ngayon mag-aasawa pa siya ng isang Pilipino.
Sahlee pinagwo-workshop ni Zsazsa
Bakit nga hindi balikan ni Sahlee Quizon ang pagiging artista since before naman ay winelcome naman siya ng publiko. Sayang nga at maaga siyang umayaw. Hindi man lang niya nahintay ‘yung stardom na obviously ay makukuha niya kung naging matiyaga lamang siya.
Ngayon gusto niyang mag-comeback. Bakit nga hindi pero, tama ang payo sa kanya ni ZsaZsa Padilla, mag-workshop muna siya. Matagal siyang nabakante at baka manibago siya o hindi agad makahabol.