Heto ako at reklamo nang reklamo sa napakamahal na tiket para sa naging concert ni Jennifer Lopez, ‘yun pala ako lang ang may problema. ‘Yung maraming pumuno ng The Arena ay hindi nanghinayang sa napakalaking ibinayad nila. Ang importante lang ay nasiyahan sila. Kaya worth it lang ang ibinayad nila.
Ang malaking napatunayan ko sa pagdating dito ni JLo ay marami ring Pinoy ang may pera at ‘di baleng gumastos sila ng malaki para sa mga foreign singers na dumarating. Di tayo poor ha!
INC malaki ang magiging selebrasyon sa 2014
Wala naman akong masabi sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo. Sa July 2014 pa ang centennial anniversary nila pero ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na nila ang gagawin nilang selebrasyon. Bahagi ng pagdiriwang ang paglalabas ng isang monumental epic tungkol sa buhay ng founder ng INC na si Felix Manalo. Very honored si Richard Gomez to have been chosen to play the role. Gaganap naman bilang Eraño at Eduardo Manalo sina Bong Revilla at Albert Martinez.
Ngayon pa lamang ay inaasahan nang magiging malaki at maganda ang pelikula na hindi isang religious movie kundi isang dramatikong behikulo tungkol sa isang lalaki at ang pagkakatatag niya ng isang relihiyon na ngayon ay umaabot na sa buong mundo. Binabati ko ang INC sa kanilang anibersaryo.
Christmas lights mas mura sa Quiapo
Lalo nang mamamahal ang tinda sa Dapitan Arcade now that Regine Velasquez went there to shop for Christmas decors. Kay Songbird okay na ang presyo ng mga tinda dun pero sa mga mas may maliliit na budget, namamahalan sila sa mga itinitinda dun. Itanong ninyo pa sa kasamahan kong kolumnista dito na si Vero Samio.
Nabisita na niya halos lahat ng mga tiangge at arcades para makahanap ng murang dekorasyon at mas namurahan siya pagdating sa mga Christmas lights sa Quiapo, kaysa sa Dapitan, Divisoria at Araneta Center.
Pagdating sa decors, mas mura sa Araneta, sa harap ng Farmer’s flower shops. ‘Yung ilaw niya na parang teardrops ay P800/each sa isang kilalang mall, P350 sa Divisoria pero sa Quiapo P130 lang sa Plaza Miranda Center.
Mas mura sa mga bangketa pero siyempre naghahanap kayo ng mga may safety seals kaya go na lang kayo sa mga mapagkakatiwalaang tindahan, ‘yung nagbibigay ng resibo at puwede n’yong masisisi kapag pumalpak ang mga binili n’yo.
Para makasiguro, huwag na kayong mag-ilaw sa loob ng bahay, sa labas na lamang ng mga pinto at bintana, ‘yung malayo sa kurtina.
Kung kailangang ilawan n’yo ang mga Christmas tree n’yo, gumamit nung may makakapal na cord at palaging itsek para nakasiguro.