Relasyon sa kasamahan sa network totoo aktor umamin sa pagiging sinungaling!

Inamin na, pero ayaw na lang ipasulat ng isang aktor na break na sila ng GF niyang aktres. Ayaw umamin ng aktor dahil lalabas talagang sinungaling sila ng ex dahil never inamin ang relasyon, tapos biglang nag-break. Pinangangatawaman na lang ng dalawa na never silang nag-on.

Pero alam ng press na hindi lang sila basta friend, na serious ang relasyon nila dahil ipinakilala ng isa’t isa ang bawat isa sa kani-kanilang pamilya. Dinadala rin ng aktor ang aktres sa mga family event at pati kasal ng relatives, karay-karay niya ito.

May one year din ang relasyon ng aktor sa aktres at natatandaan namin, last Christmas, three branded bags ang gift niya sa aktres. Ngayon, pareho nang walang matatanggap na gift ang isa’t isa.

Tahimik din ang aktres pati sa Twitter, kaya never natin malalaman ang rason ng kanilang silent break-up. Ang natatandaan lang namin, ang sinabi ng isang kasama ng aktor na mahirap pagsabayin ang career at love.

Matteo nawalan ng interes sa babae

Sa bahay nila sa Banilad, Cebu magpa-Pasko si Matteo Guidicelli dahil darating ang sister niya from the States. Binanggit ng aktor ang subdivision kung saan sila nakatira ay lugar ‘yun nang pinakamayayaman sa Cebu. Kaya natanong na naman ito kung bakit siya nag-artista?

  “I love showbiz! I love interacting with people. Mahal ko ang trabaho ko at enjoy akong umaarte. Why not! Nagpapakahirap din ako to improve myself para ‘di masabi ng tao that I’m doing this for the money,” sabi ni Matteo.

Sabay na ring iprinomote ni Matteo ang movie niya sa 38th MMFF na Paglaya sa Tanikala ( Freedom from Chains), kung saan, gumaganap siya bilang si St. Jerome Emiliani. Tungkol sa pagkalulong sa droga ng kabataan ang tema ng movie sa direction ni Michael Angelo Dagῆalan.

Sabi ni Matteo, naka-move on na siya sa break-up nila ni Maja at ngayon, friends na sila at may communications na uli. Hindi raw siya masasaktan ‘pag nagka-BF ang aktres basta masaya ito, pero siya, deadma muna sa girls dahil magpu-focus sa career at training sa triathlon. In fact, the whole year next year, may schedule na siya ng triathlon at kung saan gagawin.

Albert nagulat na magiging asawa si Snooky

Conflict of schedule ang sinabing rason ni Noel Ferrer kung bakit hindi natanggap ni Iza Calzado ang mag-cameo sa Pamana episode ng Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion. Si Snooky Serna ang pumalit kay Iza.

Kuwento ni Snooky, matagal na niyang hinihingi kay Mother Lily na isama siya sa SR&R movies, pero ngayon lang natupad. Short, pero importante raw ang role niya bilang diwata na nagmumulto.

Happy din si Snooky na mapasama sa cast ng Sugo bilang si Ka Cristina, asawa ni Ka Eraño Manalo. Balik-tambalan sila ni Albert Martinez dito at sa kuwento ni Snooky, parang hindi alam ng aktor na silang dalawa ang gaganap na mag-asawa. Nagulat daw si Albert nang magkita sila sa bus na kanilang sinak­yan papunta sa Quezon City Sports Club, ang venue ng presscon, kung saan, formal na in-announce ang Ang Sugo (The Last Messenger).  

Mga primetime soap ng GMA 7, lahat SPG

Puro may SPG o Striktong Patnubay at Gabay ang ratings ng primetime soap ng GMA 7 mula sa Aso Ni San Roque, Temptation of Wife at ngayon ay ang Pahiram ng Sandali. Wala pa kaming mapagtanungan kung nakakatulong ito sa soap, pero tiyak na fulfilled ang mga writer na nasusunod ang gusto sa kanilang material.

Personal...

Pinasasalamatan namin sina Dra. Elaine Jean Estifano at Dra. Seychelle Mae Anuna ng Noah’s Ark Veterinary Clinic na nagtulong na gumamot sa aso namin. Kundi sa kanilang dalawa, baka wala na ang three-month-old Shih Tzu pet namin.

Thank you rin kay Jojie Dingcong, alam mo na kung para saan. Ang Noah’s Veterinary Clinic ay nasa #106 A. Hillcrest Condo, E. Rodriguez , Quezon City.

Show comments