Martin AT Kedebon, buena mano sa pamasko ni Banker

MANILA, Philippines - Buena mano na makakatikim sa pamasko ni Banker sina The X Factor Philippines judge Martin Nievera at kanyang anak-anakang si Kedebon Colim sa pagsisimula ng Christmas special ng Kapamilya Deal or No Deal. Talaga namang exciting at mas masaya ang laro dahil muling pinagsama ang parehong kuwelang sina Martin at Kedebon sa iisang entablado. Todo suporta rin ang kanilang pa­milya kasama ang iba pang finalists ng The X Fac­tor Philippines. Maging merry kaya ang Pasko nina Martin at Kedebon at makuha ang jackpot? Ano nga kaya ang pamasko ni Banker sa mga susunod na makikipagtawaran sa kanya sa  Deal ? Huwag pa­lalampasin ang Kapamilya Deal or No Deal  nga­yong Sabado (Dec 1), pagkatapos ng  TV Patrol Weekend sa ABS-CBN.

Show comments