Meron pa ba namang kukuwestyon sa relasyon nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna? Hindi naman sila magiging laman palagi ng mga tabloid kung walang nakakakita sa kanila. ’Yun nga lang napaka-discreet ng dalawa. Bilang ang mga araw na lumalabas sila at pili ang mga okasyong pinupuntahan nila kaya hindi mo sila mapapaamin. What you see is what you get na lang.
’Yun lang, kapag nagkaroon ng breakup, dun mo lang malalaman na ’yung matagal mo nang hinihinala ay totoo pala.
Wala namang sinasaktan ang dalawa sa kanilang relasyon kaya bayaan n’yo na lang sila.
Bong, Richard, at Albert nag-labor of love para sa INC
With Tikoy Aguiluz on the helm, nakasisiguro ang mga Iglesia ni Cristo (INC) ng isang magandang pelikula bilang selebrasyon ng kanilang ika-100 taong anibersaryo. Kilala naman si Aguiluz bilang isang matinong direktor kaya mabibigyan nito ng anniversary flavor ang Sugo (The Last Messenger na kuwento ng pagkakatalaga ni Felix Manalo ng INC.
Sina Sen. Bong Revilla, Jr., Richard Gomez, at Albert Martinez ang gaganap sa mga role nina Felix, Eraño, at Eduardo Manalo at totoo ba na libre lamang at walang bayad ang tatlo? Labor of love ’yan para sa INC ha?
Liza Macuja nagawang maging masa ang ballet
Congrats kay Liza Macuja-Elizalde sa pagiging Entertainer of the Year ng Aliw Awards! Gustung-gusto ko ’yung ginagawa niyang pagpapalabas ng mga show sa Aliw Theater na ginagamit ang ballet. Ang sosing sayaw ay nagawa niyang maibaba sa masa na sa aking palagay ay isang kapuri-puri at hindi matatawarang achievement.
Kaya nga ako ay naengganyo ring manood. At tama ang aking ilang kaibigan na kahit libre ang mga palabas ni Liza ay hindi matatawaran ang ganda ng mga ito.