Magbibilang muna ng maraming taon KC takot mag-asawa!

Hindi ipinagkakaila ni KC Concepcion na at age 27 ay pumapasok na rin sa isip niya ang pag-aa­sawa pero marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya na alam niyang hindi niya magagawa ka­pag may ka-partner na siya.

Kaya okay na lang muna sa kanya ’yung magka­roon ng boyfriend who will complete her being single. Kapag nag-asawa siya’t nagkaanak, sa pa­­milya na niya ibubuhos ang kanyang panahon. Wala ng puwang ang iba pang bagay kaya hang­ga’t ma­kakaya niya, hindi muna siya mag-aasawa.  She still has a few more years to fulfill her dreams at pagkatapos mag-aasawa na siya.

LT ayaw sa bata!

Habang ang maraming artistang ba­bae natin na walang sabit ay naghaha­nap ng mga lalaking mas nakakabata sa kanila, tulad ni AiAi delas Alas na ang cur­rent boyfriend ay nagsabing napag-usapan na nila ng komedyante ang tungkol sa kasal, si Lorna Tolentino naman ay ayaw sa mga lalaking malaki ang kabataan sa kanya. Hindi niya tipo ang mga lalaking kasing edad ng mga anak niya. If ever na tatanggap siya ng manliligaw, kailangang mas mature sa kanya, sa edad man o sa pag-iisip.

Samantala, walang panahon sa pag-ibig si LT. kahit matagal nang namamayapa si Rudy Fernandez, hindi pa siya nakakaramdam ng lungkot sa kanyang pag-iisa, ang kalungkutan kung sakali mang nararamdaman niya ay napupunan ng kanyang mga anak. Ngayong may apo na siyang umaagaw din ng kanyang panahon, parang wala ng puwang ang kalungkutan sa kanyang buhay. Ang kanyang trabaho ay isang magandang pampuno at pampakumpleto ng kanyang buhay.

Celso Kid nakamatayan na lang ang buong pelikula ni Nora

Marami ang nalungkot sa naging pagpanaw ng direktor na si Celso Ad Castillo. Sumakabilang buhay ito matapos ang mahabang panahong pakikibaka sa sakit na lung cancer. Kinamatayan na nito ang pangarap na maidirek si Nora Aunor sa isang full-length film. Nagkatrabaho na sila ng Superstar sa trilogy na Fe, Esperanza, Caridad pero isang buong pelikula ang pangarap niyang pagsamahan nila.

Marami ang nakakita na sa henyo ni Celso Kid pero ang hindi maitatatwang bagay na maalala sa kanya ay binigyan niya ng kulay ang industriya ng pelikula nung siya ay nabubuhay pa.

Isabel napa-oo sa kontrabidang role para magkatrabaho

Wish ni Isabel Granada na magustuhan ng manonood ang pagganap niyang kontrabida sa Cielo de Angelina. Hindi niya ini-expect na mabibigyan siya ng chance na ma­ging kontrabida. Bago ito sa kanya at isang challenge dahil sa totoong buhay ay napaka-sweet niyang tao. Pero ito ang role na available sa pagbabalik niya at kahit medyo kabado, umoo na siya agad.

“Bilang artista, dapat kaya kong gampanan ang anumang role na dumating sa akin. Hindi naman ako puwedeng mag-inarte at sabihing next time na lang dahil hindi kon­trabida ang role na gusto ko. I have to be versatile. Ma­laki o maliit na role, dapat willing akong gampanan. Who knows I might end up being a very good contravida,” sabi ng Espanyolang aktres.

Show comments