^

PSN Showbiz

Ramdam din na puwedeng ma-in love sa komedyante Lovi naseseksihan kay Vhong!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Second Shake, Rattle & Roll movie ni Lovi Poe ang 14th franchise nilang The Invasion. First time niya maidirehe ni Chito Roῆo at first time niyang ma­kapareha si Vhong Navarro. Sa presscon ng Un­wanted episode nagkaaminan ang dalawang bida na humahanga sila sa isa’t isa.

Sabi ni Lovi, “funny guy” si Vhong at lahat gustong makapareha ito. Pati nga friends niyang mga artista, excited sa tambalan nilang dalawa. Simple lang daw si Vhong pero ’pag umarte, iba na. Madalas niya itong napapanood sa TV.

Ayon naman kay Vhong, matagal na niyang dream na makatrabaho si Lovi kaya thankful sa Regal Entertainment, Inc. na natupad ang pinapanga­rap. Doble pa ang tuwa ni Vhong dahil girlfriend niya ang role ni Lovi at kanya pang nabuntis.

Biglang nainitan at napainom ng red wine si Vhong sa “of course” na sagot ni Lovi sa tanong kung posible siyang ma-in love kay Vhong?

Naseseksihan din siya rito lalo na sa eksenang nag-macho dancing ito.

Samantala, “single” ang sinabing status ni Lovi at puro “friends” ang sagot kung ano niya sina Jake Cuenca, Ronald Singson, at Rocco Nacino na kapareha niya sa Yesterday’s Bride, ang Afternoon Prime ng GMA 7.

Kahit may contract sa iba aktres pumirma ng kontrata sa ibang manager

’Kaloka ang aktres na ito, pirma nang pirma ng kontrata. May existing contract pa siya sa isang network at mahabang taon pa ang kontrata ha? Pero pumirma na naman ng managerial contract sa isang manager.

Nagkagulo tuloy sa network dahil sa aktres na obvious hindi kumonsulta sa abogado bago pumirma. Wala raw itong nakikitang masama sa double contract niya at wala rin itong balak na tapusin ang kontrata sa network na nag-aalaga sa kanya mula pa nang magsimula siya sa showbiz.

Ano kaya ang gagawin ng network sa ginawang ito ng aktres? For sure, ipaglalaban din nila ang karapatan nila sa aktres dahil sila ang dumiskubre rito, nag-alaga hanggang magkapangalan, at patuloy na nagbibigay ng project.

Sana lang hindi mauwi sa demandahan ang ginawa ng aktres. Lahat naman ay napag-uusapan sa magandang paraan. Kapag nakausap, aalamin namin sa aktres kung bakit ginusto niyang magkaroon ng double contract.

Derrick ayaw magpalamang kay Miguel

From a source, nabalitaan naming ayaw magpatalo ni Derrick Monasterio kay Miguel Tan Felix na maging close kay Barbie Forteza, kapareha ni Derrick sa Paroa, Mga Kuwento ni Mariposa.

Kung si Miguel ay idinadaan sa cake ang pagpaparamdam kay Barbie, si Derrick nama’y sa ice cream. Nag-treat daw ito sa set ng Paroa after masulat na binisita at dinalhan ni Miguel ng cake si Barbie sa taping ng Magpakailanman. Hindi nito inililihim na crush niya ang dalagita pero wala pa siyang balak ligawan ito.

Samantala, kasama si Derrick sa GMA Artist Center talents na piniktoryal ng Garage Magazine as GMA Network’s future leading men. Ang dalawa pa’y sina Alden Richards at Benjamin Alves.

Direk Tikoy malaki ang pasasalamat kay Mayor Lani

Nilapitan pala ni Direktor Tikoy Aguiluz sina Mr. Tony Cojuangco at Mr. Manny V. Pangilinan para magpatulong sa Cinemanila International Film Festival. Hindi lang fruitful ang paglapit niya sa dalawa dahil si Mr. Cojuangco, may Cinemalaya.

Hindi nito nabanggit ang rason ni MVP kung bakit hindi siya matutulungan kaya malaki ang pasasalamat ni Direk Tikoy na for the second time ay tutulu­ngan siya ng pamunuan ng Taguig City at ni Mayor Lani Cayetano na host ng 14th Cinemanila International Film Festival.

Tatakbo ang Cinemanila mula Dec. 5-11 tampok ang 40 films from 20 countries all over the world. Mga pelikulang ipinalabas sa Cannes, Venice, Berlin, Rotterdam, Edinburg, Tokyo, Jeomju, at Busan International Film Festivals.

May Thai movies, Filipino films, at documentaries din na ipalalabas sa mga sinehan sa Market! Market! kasama ang controversial na Give Up Tomorrow.

Bibigyan ng tribute at posthumous awards sina directors Mario O’ Hara at Marilou Diaz Abaya at indie movie producer Tony Veloria. Ipalalabas din ang tribute ni Lav Diaz sa late film critic Alexis Tioseco, ang Pagsisiyasat sa Ga­bing Ayaw Lumimot.  

Ang awards night ay gagawing harana-inspired red carpet event gagawin sa Bonifacio Global City sa Dec. 8.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

AKTRES

ALDEN RICHARDS

CINEMANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

DIREK TIKOY

LOVI

MIGUEL

NIYA

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with