Nawalan ng trabaho kung kailan naman may bayaran Drama actress minalas sa nabiling bahay

MANILA, Philippines - Na-stress ng husto ang drama actress dahil kung kelan naman siya bumili ng bahay ay dun naman daw siya biglang nawalan ng maraming trabaho.

Kung dati kasi ay sunud-sunod ang mga project, ngayon ay nagtataka siya na biglang natigil ang mga offer sa kanya. Mas kailangan niya ngayon ng regular na work dahil nagbabayad na siya ng bahay na kanyang kinuha.

May nagsabi sa drama actress na baka malas ang bahay na nabili niya. Sa mga nakapunta na ng bahay niya, nadidiliman daw sila sa loob at may hindi magandang vibes silang nararam­daman.

Kinagat kasi ng drama actress ang presyo ng bahay dahil murang-mura para sa isang two-storey, two-bedroom, and three-bathroom house. May garden pa at garahe na kasya ang dalawang kotse.

Advice ng mga kaibigan niya na ipa-bless agad ang bahay at baka may malas na naiwan sa dating may-ari. Kaya siguro mura na itong ibinigay sa kanya dahil walang kumukuha nito.

May nag-advice pa na ipa-feng shui niya ang buong bahay para malaman kung mapapalitan ng suwerte. Kung ano raw ang mga lumang gamit na kasama sa bahay nang bilhin niya ay itapon na niya dahil baka nakadikit doon ang malas.

Hoping si drama actress na sa pag-overhaul niya sa bahay na binili ay bumalik ang suwerte sa kanya dahil malaking part ng kanyang savings mula sa kanyang pag-aartista ang nailagay na niya sa bahay na iyon.

 

Show comments