May balitang may gagawin na namang talk show si Martin Nievera. Aba, maganda ito. Matagal nang puro pagkanta ang ginagawa ni Martin, it’s about time na makita naman siyang nag-i-interview ng mga kapwa niya celebrity sa TV. Magaling na siya rito.
Hindi ko nga lang maisip kung bakit ngayon lang may nakaisip na gawan siyang muli ng isang talk show. Bago kinilala si Boy Abunda sa mga talk show, nauna na si Martin.
Marco Sison nagpaparamdam uli pagkatapos ng walong taon
Kung nawawala man sa eksena sina Nonoy Zuñiga at Hadji Alejandro. Si Marco Sison naman ay nagsisimula nang magparamdam. Nasa programa ko ito sa radyo kamakailan at may natapos na pala itong album mula sa PolyEast, ang Isang Pagkakataon. Walong taon na nang huling gumawa si Marco ng album kaya alam niyang tatangkilikin muli ang kanyang bago na naglalaman ng mga komposisyon ni Vehnee Saturno.
Inaasahan niyang magiging kasing-hit ng My Love Will See You Through ang Isang Pagkakataon. Kaya? Aber, marinig nga.
Dawn, wala sa acting at mukha ang tunay na asset
Marami ang ginulat ni Dawn Zulueta sa ginawa niyang pagkanta para sa akin nung Star Awards for TV. Kaya lang nasasapawan ang galing ng kanyang boses sa galing ng kanyang pag-arte. Pero sa totoo lang kumakanta siyang talaga.
Pero hindi ang kanyang acting o ni ang kanyang boses ang nakita kong asset ni Dawn, kundi ang kanyang napaka-gandang ugali. Ang kumbinasyon nito at ang kanyang talento at magandang mukha ang ikinaiiba niya sa maraming artista.
Regine hinihintay nang makabawi
Paano ba naman hindi maiiyak si Ogie Alcasid eh talaga namang grabe ang nangyari sa kanyang misis na si Regine Velasquez? Para pumiyok ito ng makailang ulit at mawalan ng boses sa kanyang maituturing na pinakamalaking concert to date, talaga namang nakakakaba ito. Lalo’t kapag nag-concert si Regine ay ’di mahulugang karayom.
Ang ipagpasalamat na lang nila, marami ang nagmamahal sa Asia’s Songbird. Willing sila to give her another chance. Dun na lang siya bumawi. Afford naman nilang mag-take 2.