Pabahay ng mga nasa likod ng kamera, tuloy at inaayos na ni Nancy Binay!

Maganda ang plano ni vice presidential daughter and social housing advocate Nancy Binay sa mga taga-movie industry – ito ay ang magbigay ng access to affordable housing.

“The movie industry is not made up of just actors and actresses. There are film crews, stuntmen, bit players, makeup artists, people who work behind the camera. And many of them are small income earners who cannot afford a house of their own,” simula ni Ms. Nancy na personal assistant for housing concern ng kanyang amang si Vice President Jejomar Binay.

Si Vice President Binay ang chairman ng Home Development Mutual Fund (HDMF) na mas kilalang Pag-IBIG Fund.

Kuwento pa ni Ms. Nancy, sinimulan na nila actually ang pakikipag-usap sa movie workers at kasalukuyan na silang nakikipag-coordinate sa Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino (NMPP) na may 400 members.

 “Ready na ang MOA (memorandum of agreement), date of event na lang ang kulang. So this is a first important step. At ’di pa sila members,” paliwanag ni Ms. Nancy na kasama sa senatorial slate ng United Nationalist Alliance (UNA) for next year’s elections.  

Dagdag niya, “The movie workers can join Pag-IBIG’s Home Matching Program. We pre-qualify them, meaning, check their income proof. Then we say what amount they can borrow, then we match them with the accredited home units we have, depending on the area they like.”

At kung ang mga manggagawa ay orga­nized at merong identified lots, puwede silang maki-tie up sa developer ng lugar na gusto nilang bilhin ayon kay Ms. Nancy.

“We can tie them up with a developer to develop a housing project for them and we can finance,” she said. 

Matagal na pala ang involvement niya sa housing projects. Nag-umpisa ito nang maging assistant siya noong mayor ng Makati City pa ang kanyang ama sa planning ng city government programs.

Siya rin ang nagsilbing liaison between the vice president at ng shelter agencies sa ilalim ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) nang maging bise presidente ang kanyang ama at tinutulungan din niya para i-monitor ang implementation ng proyekto ng HUDCC.

Bukod sa pagiging housing advocate, aktibo rin siya sa socio-civic work. She is in the Boards of Trustees of Brighthalls Children’s Foundation, Inc., isang foundation na kumukupkop sa mga baby at mga batang below two years old na inabandona at itinapon ng kani-kanilang mga magulang.

Kasama rin siya sa Serbisyong Tunay Foundation, Inc. na nagpo-provide sa mga taga-Makati ng personal accident insurance and other benefits, medical reimbursement, and burial assistance.

Tinutulungan din niya ang Bigay Pagmamahal Foundation, which helps poor and underprivileged youths of Makati get quality college education.

May apat na anak si Ms. Nancy at married siya to Jose Benjamin Raymundo Angeles.

Timing na timing ang plano niya sa mga worker ng movie industry. Ang dami sa kanilang nangangarap na magkaroon ng sariling bahay na sa tinagal-tagal nila sa industriya ay hindi sumapat ang kanilang mga kinita para magkaroon ng mga sariling bahay. Eh nang humina ang mga pelikula kasama pa sila sa mga unang naapektuhan.

Siguradong magbubunyi ang marami sa balitang ito.

Mga nag-invest sa subdivision ng dating movie producer, wala na talagang nangyari

Naalala ko tuloy ang naging kapalaran ng ilang taga-showbiz na nag-invest sa isang subdivision sa probinsiya na pag-aari ng dating movie producer.

Marami-raming mga artista at ilang writers ang nag-invest sa nasabing subdivision dahil akala nila ay legit. Pero nagka-problema sa dokumento. Hindi nila nakuha ang titulo hanggang tumagal nang tumagal at umabot pa sa demandahan pero wala ring nangyari.

Hindi na umaasa ang ilang nangarap noon na nag-invest na makuha ang nasa­bing property.

Going home to Chirstmas ni Jose Mari Chan, ang lakas ng dating!

Sobrang ganda ng bagong Christmas album ni Jose Mari Chan na Going Home to Christmas. Super ang mga kanta na ginawa niya after 22 years nang i-release ng Christmas in Our Hearts na isa sa biggest seller of all times (at hanggang sa kasalukuyan ay mabentang-mabenta ito).

Karamihan sa 22 songs sa Going Home to Christmas ay original pero ’pag narinig mo, parang familiar agad.

Kasama sa songs na ang lakas ng dating ay ang Christmas Moments na madalas nang marinig sa FM radio stations, Song of the Firefly (ka-duet ang apong si Ramona Isabel), Going Home to Christmas, December 25, Christmas Air, Pinoy Krismas (na sinulat ni Ogie Alcasid). Actually, wala kang itatapon sa mga kantang kasama sa album.

Imagine, 22 songs sa isang album?

Naka-duet niya sa ibang kanta ang mga anak niyang sina Lisa (ka-duet niya sa Christmas in Our Hearts), Jose Antonio, Michael, and Francisco Rafael.

Sa previous interview sinabi ng magaling na singer-composer na hindi niya minadaling gawin ang album na ito. Inabot siya ng kung ilang taon.

“Some songs were written twenty years ago, some over the last two or three years,” sabi niya kaya pala very touching at maa-appreciate mo ang bawat word.

Kumanta rin for Going Home to Christmas sina Cris Villongco, Noelle Cassandra, Hanna Flores, Shiela Valderrama.

Ang album ay dedicated sa kanyang papa, Tony Chan.

Distributed ito ng Signature Music, Inc. na pag-aari ni Mr. Chan.

 

Show comments