Phil gustong magkaroon ng football stadium

Kabilang si Angel Locsin sa mga itinuturing na sexiest actress ng FHM kaya kinokonsider din itong maging endorser ng alak.

Pero ayon sa magandang aktres, mapili siya sa mga iniindorsong produkto. Sabi pa nito, noon pa man ay inaalok na siyang mag-endorso ng alcoholic beverage kaya lang noong panahong ’yon ay hindi naman siya umiinom ng alak. Ayaw niyang mag-endorso ng produkto na hindi naman niya ginagamit. Sa ngayon ay umiinom na siya pero occasionally.

Sa kabilang banda, natutuwa siya para sa kanyang love na si Phil Younghusband dahil nakabalik na ito sa grupo niyang Philippine Azkals. Para sa kanya, buhay niya ang paglalaro.

Pangarap ni Phil na magkaroon ng maraming football stadium sa bansa samantalang tirahan naman para sa mga squatter ang nais na matupad ng aktres.

LT handa na sa maraming kissing scene kay Dingdong

Two-year guaranteed contract ang pinirmahan ni Lorna Tolentino sa GMA 7 at bida siya sa Pahiram ng Sandali. May kissing scene sila ni Dingdong Dantes at payag naman siya dahil may tiwala kay Direk Maryo J. delos Reyes.

Maganda naman ang kinalabasan ng kissing scene kaya handa na sila ni Dingdong sa mga susunod pang kissing scene.

Paranormal Activity 4 magaganda ang mga feedback

Magaganda ang feedback na natatanggap sa Paranormal Activity 4 na nagkakaisa sila sa pagsasabi na ito na ang the best sa lahat ng naunang serye.

Sa Paranormal Activity 4 ay inilarawan ang single mother na si Katie at anak na si Robbie na nanirahan sa isang suburb at nakakaranas ng katatakutan ang kanilang mga kapitbahay sa sariling tahanan.

May pagbabago sa Paranormal Activity 4 na kinabibilangan ng Kinect set-up at laptop cameras.

Ang mga sumusunod na eksena ay makapanindig-balahibo kaya nagsisigawan ang mga tao. Palabas pa ngayon sa mga sinehan ang pelikula na puno rin ng kababalaghan mula sa Solar-UIP.

Show comments