70,000 na jeep na pumapasada araw-araw bubusisiin ni Ted

MANILA, Philippines - Nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may pinakamatinding traffic. Paano nga ba malulunasan ang lumalalang problema ng bansa sa buhul-buhol na daloy ng transpor­tasyon?

Bubusisiin ni Ted Failon ang timitinding problema sa traffic ngayong Sabado (Nov 24) sa Failon Ngayon.

Nasa P1.17 billion pesos kada araw o P428.6 billion pesos diumano ang lugi ng bansa noong nakaraang taon dahil sa traffic. Dagdag pa ng Traffic Management expert na si Rene Santiago, mayroong road density ratio na 400 vehicles per kilometer ang Pilipinas kumpara sa Singapore na 280 vehicles lang per kilometer.

Nagiging problema rin ang hindi tamang pagpa­patakbo ng mga public transportation katulad ng mga bus at jeep. Sa EDSA pa lang, mayroon nang tumatakbong 3,000 na bus kada araw habang sa buong Kamaynilaan naman, mayroong 60,000 hanggang 70,000 na jeep na pumapasada araw-araw.

Tantya pa ni Santiago, sa loob lamang ng limang taon, kung ano ang bini-biyahe mo nga­yon ng isang oras ay aabot na ng dalawang oras!

 

Show comments