^

PSN Showbiz

Pagbebenta sa GMA 7, tuloy na naman?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

“This is to inform the public that GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon does not own a  Facebook  account. All accounts that are registered under his name/using his photos are fictitious. Thank you.”

Ito ang ipinadalang electronic mail ng GMA 7 tungkol sa facebook account ni Mr. Gozon. Pag nag-search  ka nga naman kasi ng pangalan ng presidente ng GMA 7, ang daming lumalabas na account na may mga photos niya. Meron pang binastos siya sa isang account dahil nilagyan ng pulang sungay si Mr. Gozon na kamakailan lang ay humarap sa entertainment media nang pumirma si Sen. Bong Revilla ng kontrata sa Kapuso Network na malamang na naging rason para maglabas sila ng official statement.

Anyway, ang hindi namin naalalang itanong nung makitsika siya ay kung totoong nagne-negotiate na naman ang GMA 7 at Media Quest ni Mr. Manny Pangilinan. You read it right, isang source ang nagkuwento na activated na naman daw ang talks sa pagitan ng dalawang kumpanya matapos magkaroon ng announcement kamakailan na aborted ang matagal na negosasyon sa pagitan ng dalawang kumpanya.

SILVER CONCERT NI REGINE HINIHINTAY NG FANS  SA TV

Ipapalabas pa rin kaya sa GMA 7 ang Silver concert ni Regine Velasquez? May airing date na sana ang nasabing concert ng songbird bilang co-producer ang GMA sa nasabing concert.`

Common knowledge na walang boses si Regine sa kanyang concert at hindi ito gaanong nagtagal.

May ilan kasing nagre-request na sana raw ay ipalabas pa rin dahil awang-awa sila kay Regine kaso hindi naman nila alam ang totoong nangyari.

Young actress spoiled sa BF na actor, first class na ngayon ayaw  na sa economy

Spoiled na spoiled pala ang isang young actress sa kanyang boyfriend na sikat sa sobrang pagka-in love sa karelasyon.

Kaya naman daw ultimo sa pagsakay sa eroplano nagre-request ang actor na dapat sa first class ang puwesto ng kanyang ‘baby.’

Samantalang dati daw naman ay sa economy lang ang puwesto ni young actress.

Well, ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

Monique umaming tibo, may blood cancer

Umamin nang tibo ang stage actress na si Monique Wilson. Matagal nang isyu ang pagiging tomboy niya pero ngayon lang siya umamin ng deretsahan.

Bukod sa pag-aming tibo, sinabi rin niyang meron siyang blood cancer for two years now. Pero hindi naman daw malala ang ganitong sakit kaya hindi siya gaanong nag-aalala at parang normal ang takbo ng buhay.

 

vuukle comment

BONG REVILLA

FELIPE L

KAPUSO NETWORK

MEDIA QUEST

MONIQUE WILSON

MR. GOZON

MR. MANNY PANGILINAN

NAMAN

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with