Sumama sa Biyaheng Agusan ng Pinoy Explorer ngayong Linggo!

MANILA, Philippines - Ngayong Linggo, buhay tabing-ilog ang mararanasan ni Aga Muhlach kasama pa rin ang dalawang graduates ng Artista Academy na sina Chanel Morales at Shaira Mae. Lilibutin nila ang Agusan del Norte na kilala sa Butuan Bay at Agusan River. Sa Lake Mainit sa Surigao, mapapasabak sa kakaibang triathlon ang trio kasama ang ilang lokal. Matututo sina Chanel at Shaira sa pagmamaniobra ng barotoo canoe samantalang mapapasabak sa fishing challenge si Aga kasama ang mga katutubong Mamanwa na naninirahan sa Calinawan River.

Sa bayan naman ng Cabadbaran, papasukin nina Aga ang Lepanto Tunnel kung saan may nakadepositong mga ginto.

Makahanap kaya ng tunay na ginto sina Aga?

Saksihan ang kanilang Agusan Adventure ngayong Linggo sa Pinoy Explorer, 6:30 ng gabi sa TV5!

 

Show comments