Kaya naman pala mukhang blooming si Erich Gonzales ay may nagpapaligaya na rito, isang non-showbiz guy. May isang taon na ang kanikang relasyon. Katunayan, suut-suot niya ang isang friendship ring, hindi engagement ring noh! Na ibinigay nito sa kanya. Aminado ang aktres na she is at her happiest, dahilan sa nasabing lalaki.
Miss Saigon Pinay talaga ang hinahanap
Kahit ano pa ang sabihin ng marami, malamang isang Pinay ang maging mapalad na maging bagong Miss Saigon. Bukod sa maraming Pinay ang may boses, nasa kanila rin ang kinakailangang looks. Kailangang mukha silang Asyano, medyo kayumanggi, may mahaba at tuwid na buhok. Mahirap kapag mestisa, kailangan pang pagmukhaing kayumanggi. Kahit sino kina Karylle at Rita Iringan ay puwede. Parehong may boses.
Mark Fernandez, nawawala sa eksena
Nakita ko sa isang cooking show si Mark Fernandez. Parang matagal ko na siyang ‘di napapanood sa TV. Nagpapahinga ba siya o ano ba ang ginagawa niya lately? Dalawa sila ni Sid Lucero ang parang nakakaligtaan ng GMA7. Hindi bale sana kung hindi sila magagaling na atista, ang kaso magaling nga sila kaya nakapagtataka na wala silang assignment.