MANILA, Philippines - True kaya na si Ms. Wilma Galvante na ang susunod na MVP (most valuable person) ng TV5? As in bagong reyna
Nadulas lang ang isang source tungkol sa kuwento kay Ms. Wilma na kasama siya sa papasok sa mangyayaring major revamp sa Kapatid Network anytime.
At hindi lang daw si Ms. Wilma ang papasok marami rin daw taga-PLDT na lilipat sa pag-aari ring kumpanya ni Mr. Manny Pangilinan.
Maging ang ilang taga-GMA 7 ay alam na bibigyan na ng posisyon ang dati nilang Kapuso.
Matagal nang pinag-uusapan ang pag-take over ni Ms. Wilma sa TV5, noon pa mang bago mag-umpisa ang natapos nang reality show na Artista Academy.
Narinig ko ring malamang na mga game shows ang unang mawala sa TV5.
Wow, siya na ang bagong reyna, from GMA 7 to TV5.
Audition ng Miss Saigon sa bansa, box office!
Ang dami palang nag-a-audition sa restaging sa West End ng Broadway hit musical na Miss Saigon na nag-last day na kahapon.
Apat na araw lang itong isinagawa at kasama sa mga nag-audition sina Rachelle Ann Go, Karylle, K-La Rivera, Frencheska Farr and Aicelle Santos.
Naki-audition din daw sina Angeline Quinto, Ciara Sotto, Arnell Ignacio, Epi Quizon at Gian Magdangal. Pero hanggang kahapon ng hapon ay wala pang balita kung sino sa kanila ang mga nakalusot sa final round.
Nakaka-amaze lang na ang dami pala talagang gustong mag-audition ha! Imagine pati rito sa opisina namin ay may nagtatanong kung paano mag-audition.
Hindi raw alam ng lalaki sa kabilang linya kung saan sa Makati. Gusto raw niyang makahabol kahapon sa audition. Professional singer na raw siya. Hahaha. Oki fine.
GMA Network official media partner ng J.LO Dance Again World Tour
Ang GMA Network ang official Philippine media network partner ng pinaka-aabangang J.LO Dance Again World Tour na gaganapin ngayong November 26 sa SM Mall of Asia Arena.
Ihahatid ng GMA 7, GMA News TV, DWLS FM 97.1, at DYRT FM 99.5 (ang FM station ng GMA sa Cebu) ang pinakabago at pinaka-maiinit na balita sa nalalapit na pagtatanghal ng world-famous Latin-American superstar sa kaniyang kauna-unahang world concert tour.
Pinasikat ni J.Lo ang mga chart-topping hits na Let’s Get Loud, Waiting for Tonight, Love Don’t Cost a Thing, at On the Floor. Napanood din siya sa mga di-malilimutang Hollywood movies na Wedding Planner, Maid in Manhattan, Monster-in-Law, at marami pang iba.
Ang concert na ito ang kauna-unahang beses na mapapanood si J.LO sa bansa.
Ang J.LO Dance Again World Tour ay hatid ng Vista Land, Zenea at PLDT Fibr.
Para sa mga karagdagang detalye, bumisita lamang sa www.gmanetwork.com, o i-follow ang official twitter account ng GMA (@GMANetwork) at gamitin ang hash tag na #JLoInManila.