Grr, todonatoh!

MANILA, Philippines - Simula ngayong Sabado’y alas-nuwebe hanggang alas-diyes na ng umaga mapapanood ang GMA News TV lifestyle show ni Mader Ricky Reyes na ngayoy’y Gandang Ricky Reyes, Todonatoh na ang titulo.

Sa bagong airtime ay marami ring magagandang pagbabago sa programa produced by ScriptoVision… bagong set, mga bagong segments at katangi-tanging panoorin tungkol sa mga sikat na personalidad, usapang pang-kagandahan, kalusugan, kabuhayan at kagalingan.

Makakatsikahan ng beauty guru ang dalawang taong malapit sa kanyang puso na kapwa sikat at iginagalang sa industriya..

Una’y ang nagretiro nang GMA 7 entertainment executive na si Wilma Galvante na naging lady dean sa katatapos pa lang  na talent show ng TV5 na Artista Academy at ngayo’y may-ari ng isang akademya na nagututuro ng acting, singing, dancing, scriptwriting, direction, cinematography and editing  sa pelikula at telebisyon.

Ikalawa’y ang kinilalang Movie Queen  ng RP movies na si Gloria Romero na na-maintain ang kagandahang panglabas at panloob sa loob ng maraming taon. Ibabahagi ni Tita Glo sa mga manonood na senior citizens ang sikreto kung bakit siya’y sinasabihang – Ang Ganda Ng Lolah Mo!

Magbibigay si Mader ng tip kung saan makabibili ng mga magaganda pero mura lang na pang­dekorasyon sa inyong bahay para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Magdedemo rin siya ng paraan ng pag-aayos ng mga palamuting ito sa Christmas Tree, bintana at ibang parte ng bahay.

Sa mga hindi nakaaalam, ang prutas na Garcinia Mangostana pala’y mabisang food supplement para sa mga maysakit na high blood, cancer, at diabetis.  Nabibili ito sa brand na MX3 ng kape, tsa-a at kapsula.  Marami rin ang nagsasabing nakakasugpo ito ng pagtanda o ito’y isang mabisang anti-aging agent.

Samahan si Mader tuwing Sabado ng umaga.

Show comments