Not so young actress, inaatake ng topak!

Kilala na palang maldita ang isang not so young actress. One time ay inimbitahan daw ito sa isang party. Pero sabi ng malapit sa actress : “naku nakakatakot imbitahan ‘yan, baka ‘di sumipot.”

May topak daw kasi ang nasabing aktres at may kakaibang ugali.

Ang duda nga ng ibang nakakakilala rito, baka raw bipolar din ito katulad ng ibang artista diyan.

“Naku iilan nga ang kasundo niyan. Walang masyadong kaibigan kasi nga may kakaibang attitude,” dagdag ng source.

Medyo controversial ang actress na ito sa kasalukuyan pero maayos naman ang takbo ng career dahil marunong ang mga humahawak ng kanyang career.

LT WALANG NARAMDAMAN NANG HALIKAN NI DINGDONG, GUWARDIYADO NI DABOY

“Wala naman. Trabaho lang ‘yun. Ang daming tao sa paligid namin,” sagot ni Ms. Lorna Tolentino nang uriratin siya kung anong naramdaman niya nang magkaroon sila ng kissing scene ni Dingdong Dantes sa eereng serye nila na Pahiram ng Sandali simula sa Lunes.

Pero nang ipapanood kasi ang teaser ng nasabing eskena, magandang lumabas at pinalakpakan.

Samantala, guwardiyado pa rin ni Rudy Fernandez ang asawa. Say ni LT napanaginipan ng kanyang friend si Daboy at sinabing ‘Please tell LT I’m watching over her.’

Kaya nga nang pag-usapan ang kanyang love life, kung may posibilidad pang mag-asawa siya o makipag-boyfriend, sinabi niyang wala na sa isip niya ‘yun.

Alam niyang magre-react ang asawa sakaling makipagrelasyon nga siya uli.

May isang TV host na sumubok ligawan ang actress. Pinadadalhan siya ng mga regalo pero never binigyan ng chance ni Ms. LT.

At kung balewala naman kay LT ang lovescene sa Pahiram ng Sandali, ganundin ang nararamdaman ni Dingdong. Mabilis nilang natapos ang naturang eksena.

“Pareho kaming in high spirits kaya isang take lang ’yun. Pero nagpalit lang ng anggulo, so isang pasada lang talaga, wala nang take two,” nakangiting kuwento ng actor.

Aminado siyang kabado sa eksena. “Isang malaking karangalan na makaeksena ang isang tulad ni Ms. LT lalung-lalo na at nagkaroon pa kami ng kissing scene. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang mixed feeling. Parang more of excitement and kaba,” dagdag ng actor.

Siniguro rin niyang hindi siya magkakamali dahil alam niya kung gaano kagaling na aktres si Ms. LT.

Bukod kina LT at Dingdong, bida rin sa Pahiram Ng Sandali sina Max Collins, Christopher de Leon, Alessandra de Rossi, Neil Ryan Sese, Isabel Rivas, at Mark Gil sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes sa.

ALFRED NOON PA FEEL SI ANDRES BONIFACIO

More than four hours ang unang running time ng Supremo, ang pelikula ni Quezon City Councilor Alfred Vargas na naka-schedule ipalabas sa SM cinemas starting December 5, Wednesday. Pero kinausap sila ng SM na kailangan nilang bawasan ang haba nang pagpapalabas nito. Sa unang edi­ting, more than three hours pa rin ang running time. Pero hindi pa rin puwede. Kaya kinailangan uli nilang i-edit. Umabot ng more than two hours. Na hindi na masama dahil ang regular na oras ng sine ay 1:45 minutes ang running time.

For a period movie, hindi na boring ang dalawang oras.

Sa napanood naming trailer, maganda ang pelikula. Ang laki ng proyekto at magugulat kang nagawa nila nang parang totoo ang mga lugar kung saan nangyari ang pinamunuang revolution ni Andres Bonifacio noong 1896. “I was compelled to make the film because I was really struck by Andres Bonifacio’s courage and resilience at the time when everything seemed hopeless for the country,” sabi ni Alfred na producer at bida ng Supremo.

“He is my personal hero and I want the Filipinos to identify with him and rea­lize his greatest contribution to our country. His relevance to his countrymen continues to be unmatched today,” dagdag ni Alfred na kakandidatong congressman sa fifth district ng Quezon City.

Kasi naman pala itong si Alfred lumaki na nag-enjoy sa pagbabasa ng libro tungkol sa Philippine History. At sa katunayan, ilang Filipino heroes na ang ginampanan niya sa stage productions at nauna na rin niyang ginawa ang Pag­ lilitis ni Andres Bonifacio na dinirek nang namayapang si Mario O’Hara.

The film is produced by Alternative Vision Cinema, the production outfit established by Alfred and his brother PM Vargas.

Sila rin ang co-producer ng Busong (Palawan Fate) na nakasama sa Cinemalaya last year at nag-premiere sa Cannes Film Festival noong May 2011.

Ang Supremo ay magkakaroon ng premiere night on November 30, Friday sa SM Fairview Cinema 5 and 6.

 

 

 

 

Show comments