MANILA, Philippines - Last three days na ang Coffee Prince ng GMA 7. Kaya mas mainit na ang mga huling araw.
Hindi makapaniwala si Andy (Kris Bernal) na hinalikan siya ni Arthur (Aljur Abrenica) at mahal siya nito at gusto siyang maging girlfriend at handa itong magpakabakla para sa kanya! Ang dami nun!
Item na nga sina Andy at Arthur? Tuwang-tuwa naman ang ever supportive family ni Andy. Mahal na mahal daw talaga ni Arthur si Andy para tanggapin nito ang pagkatao niya. ‘Yun nga lang parang hindi happy si Andy.
Suggest naman ni Beth na huwag magpadalus-dalos si Andy. Isipin nito ang mga hakbang niya dahil baka maiwan itong heartbroken.
The next day, sweet na sweet sina Andy at Arthur, biglang makikita ito ni Arlene. Kaya naman pala ayaw daw makipagbalikan ni Arthur sa kanya. Ipaglalaban ni Arthur ang relasyon nila kay Andy kaya buwisit na iiwan na lang sila ni Arlene.
Pagsasabihan nina Ernie at Baldo si Andy na sana sabihin na nito ang totoo niyang pagkatao kay Arthur. Aminin na nitong babae siya. Bigla namang susulpot si Ervin at maririnig ang pinag-usapan ng tatlo. Confirmed! Babae nga si Andy.
Sasabihin niya raw ito kay Arthur pero mabilis siyang mahahawakan nina Ernie at Baldo at makukulong sa isang empty room ng café. Kasabay nito, malalaman din ni Arlene na babae si Andy through Errol na madudulas naman nang tawaging “She” si Andy.
Sabay pupunta sina Ervin at Arlene sa mansion ni Mamita kung saan nagcoconfess si Arthur sa pamilya niya na isa siyang muher! At boyfiend niya si Andy. Ibubunyag nina Ervin at Arlene na babae si Andy. Susulpot naman si Andy, wearing a girly dress. Aamin na rin pala ito. Naunahan lang siya!
Hindi makapaniwala ang lahat sa lahat lahat ng revelations na narinig nila! Aalis si Arthur at haharurot pauwi. Aabangan naman siya rito nina Andy at Errol. Hihingi ng sorry si Andy. Sasabihin niya ang lahat ng reasons kung bakit siya nagpanggap. Sadly, hindi siya tatanggapin ni Arthur. Sobrang galit ito kay Andy. Luhaan ang Andy.
The next day, x 10 ang kaasiman ni Arthur. Papalayasin nito si Andy sa Coffee Prince. Hindi pa rin nawawala ang galit nito kay Andy. Ipaglalaban si Andy ng mga alalay pero mabubulyawan din sila ni Arthur dahil maging sila ay guilty sa deception ni Andy. Malungkot na aalis si Andy sa café. Pipigilan siya ni Arthur. Magkakaroon ng hope si Andy sa gesture ni Arthur only to find out na aabutan lang pala siya nito ng pera. Iyon naman daw ang puno’t-dulo kung bakit nagawa siyang lokohin ni Andy.
Dahil hopeless na ang relasyon ng dalawa, maiisip ni Andy na ituloy na ang pagpunta sa Singapore.
Magpapaalam ito kay Arthur. Itataboy siya ni Arthur. Kung gusto raw umalis ni Andy, e di go!
Sad na aalis si Andy sa Coffee Prince. Hindi man lang sila nagkaayos ni Arthur. Arthur is actually watching Andy as she walks away. Naiiyak din ito pero pipilitin na lang magpakatatag. It is obvious that he also feels bad about what he did to Andy.
Present ang lahat ng Barako Boys sa bahay ni Andy to say goodbye to her. Male-late tuloy sila sa café kung saan iritang-irita na si Mr. Sungit! Malalaman ni Arthur from the Barako Boys na aalis na papuntang Singapore si Andy. Arthur puts on a flat face pero deep inside bothered na ito.