Matapos tumanggap ng award sa International Film Festival Manhattan Jacky pinag-interesan ng filmmakers sa Hollywood!

MANILA, Philippines - Ang International Film Festival Manhattan (IFFM) sa New York ang dahilan nang pagpunta namin kung saan entry ang Haruo na pelikulang pinagbibidahan ni Jacky Woo with Rosanna Roces at Roxanne Barcelo. Bukod diyan ay may ilan pang Filipino entries at mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ngayon lang namin nalaman kung gaano kalaki ang suporta ng Consul General ng Pilipinas sa mga international filmfest sa New York gaya ng Tribeca Film Festival, SOHO Films Festival, at NY Film Festival.

Gaya last year, nung nagwagi ang peliku­la ni Jacky na Liberacion bilang Best Glo­bal Narrative (Best Picture International Awards), at idinaos ang awards nights sa Ka­­layaan Hall ng Philippine Center along 5th Avenue sa New York noong Miyerkules, Nov. 8, na mismo ang Consul General ay in attendance.

Sa taong ito ay ginawaran si Jacky ng tat­­long awards. Ito ay bilang IFMM global achievement awar­dee for acting, IFMM 2012 best actor award, at independent achievement award. Sa gabi ng parangal ay nagkaroon ng special screening award at namangha ang mga international filmmaker sa acting ni Jacky kaya nagkaroon ng Q&A after the screening.

Gaya ng Superstar na si Nora Aunor ay naipa­kita ni Jacky ang kanyang galing sa emos­yon at pag-arte sa pamamagitan ng kanyang mga mata. Dahil sa papuring natanggap niya ay maraming filmmakers ang nagkaroon ng interes at kunin ang serbisyo niya. Agad silang nakiki­pag-set ng appointment sa Japanese actor/producer/director. Pero bago ang lahat ay kailangan ni Jacky na maging miyembro muna ng Actors Guild of America para makapag-shoot siya sa Amerika. Sa tulong ni Luis Pedron ay aasikasuhin nila ito agad.

Noong Sabado ay nagkaroon ng festival screenings ng iba’t ibang Filipino movies na kasali sa 2012 IFFM NYC sa Quad Cinema sa 13th street ng Manhattan. Nandun din sina Dindi Gallardo-Mills, Samantha Chavez, at ilan pang personalidad. Todo ang suporta ni Dindi kay Jacky at wish niya na ma-penetrate pa ang Tribeca Film Festival.

Nitong Linggo ay kasabay naman naming lumipad patungong Los Angeles, California si Jacky dahil may meeting siya with some Hollywood producers kasama ang kanyang kapatid na si Keiji na marunong magsalita ng Ingles dahil sa ilang taon na pananatili nito sa LA.                                                                     

Show comments