Akalain mo, si Dawn Zulueta pa talaga ang kumanta bilang tribute sa pagtanggap ko ng aking Natatanging Alagad ng Telebisyon award sa katatapos na Star Awards for TV? Nalaman tuloy ng lahat ang pinakakatagu-tago kong sikreto, na si Dawn ang pinakamalaki kong crush. Nagsimula ito nung co-host ko pa siya sa GMA Supershow.
Alam n’yo, Dawn has not changed a bit. Kung may nagbago man sa kanya ito ay naging mas maganda lamang siya. Pero ang ugali niya, ’yun pa rin.
Salamat sa kanya, naging mas memorable ang award na tinanggap ko. Salamat din sa Philippine Movie Press Club (PMPC) for recognizing my effort and my work sa TV.
Congratulations to PMPC, for a job well done!
Mayor Herbert naisnab lang
Dumating si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa 26th Star Awards for TV. Sinamahan niya ang kanyang anak na isa sa mga gumaganap sa Goin’ Bulilit. Matagal-tagal din siyang nag-stay. Ipinagtataka lamang ng lahat kung bakit hindi man lamang siya naging isa sa mga presenter. Isa pa rin naman siyang artista.
Katunayan, mayroon siyang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012 movie na ginawa para sa Regal Entertainment, Inc. Kung ang gobernador ng Laguna at ang misis nitong mayor naman ng Pagsanjan na sina Gov. ER Ejercito at Mayor Maita Ejercito ay naging mga presenter, bakit naman hindi si Mayor Bistek?
Sharon panahon na para matuto ng leksiyon
Tama lang si Kris Aquino na huwag patulan si Sharon Cuneta. Tutal naman nakapag-sorry na si Megastar sa kanya nang mabatid na hindi pala siya ’yung mga nababasa niya sa Internet na agad-agad niyang ipinag-react.
Sharon should learn her lesson from there. Tigilan na niya dahil talagang mapapaaway siya at magiging unpopular pa. Gusto niya ba ito? Ibalato na niya sa iba ’yung away, magsabi na lamang siya ng mga gusto niyang sabihin na siya talagang intensIyon niya para magkaroon ng Twitter.