‘Napakabait na tao’ KC gustong sarilinin ang nararamdaman sa French filmmaker

Nali-link ngayon si KC Concepcion sa French filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart dahil sa mga larawang nai-post ng aktres sa kanyang Twitter account. May mga nagsasabing ito na nga ang bagong guy ng dalaga.

Ayon kay KC ay nagkasama sila ni Pierre sa isang dinner party noong nasa Italy siya. “He was kind enough to come for a dinner sa Italy so he spent dinner. Napakabait na tao at talagang nagpu-pursue siya at hindi ko akalaing may isang taong kayang mag-pursue nang gano’n,” pagtatapat ng singer-actress.

Balita namin ay boto rin ang ina ni KC na si Sharon Cuneta kay Pierre para sa kanyang panganay na anak.

“’Yung nanay naman usually kapag masaya ang anak, mas masaya sila. Kapag malungkot ’yung anak, mas malungkot pa sa kanila,” makahulugang pahayag ni KC.

Pero ano na kaya ang tunay na namamagitan sa kanila ng French guy ngayon?

“Ayoko na po munang pag-usapan ’yung love life ko. Gusto kong i-keep muna ito at i-enjoy nang mag-isa. Hindi naman mag-isa pero isi-share ko rin naman sa inyo eh,” bawi ng aktres.

VICE GANDA PINALILIGAYA ni BABY BOY

Matagal nang tinutukso si Vice Ganda ng kanyang mga kasamahan sa It’s Showtime sa pamamagitan ng pagtawag ng “Baby Boy”. Madalas daw kasing madinig ang komedyante na sinasabi ang salitang ito na ang tinutukoy ay ang lalaking nagpapasaya ngayon sa buhay ni Vice.

Napanood din noong isang linggo sa programang Gandang Gabi Vice ang biglang pagtawag sa cell phone ni Vice ng sinasabing Baby Boy. Sino nga ba ang tinutukoy na lalaki sa buhay ng komedyante?

“Si Baby Boy ay si Baby Boy ni Baby Girl, siya si Baby Boy ko. Espesyal, pinapasaya niya ako, pinapatawa niya ako. Siya ang tumawag habang nagti-taping kami. Tumawag siya, dire-diretso lang naman ang camera rumorolyo lang. ’Tapos inagaw lang naman ni Bea (Alonzo) sa akin ’yung phone ’tapos ini-speaker niya,” kuwento ni Vice.

Napanood daw ni Baby Boy ang nasabing episode at napatawa lang ito sa nangyari. “Alam naman niya eh. Bago pa nung Linggo sinabi ko na sa kanya. Inaway na niya ako bago pa mag-Sunday. Kaya noong Sunday, alam na niya, tumawa na lang din siya,” dagdag ng komedyante.

Hindi magiging malamig ang Pasko ni Vice sa susunod na buwan dahil kay Baby Boy. “Kung hindi si Baby Boy, ’yung mga barkada namin ang kasama ko. Lagi akong may kasama, sinisiguro kong lagi akong may kasama. Hindi ako papayag na wala akong kasama,” sabi ni Vice. Reports from JAMES C. CANTOS

 

                         

Show comments