Naka-relate ako sa nararamdaman ni Regine Velasquez nang panoorin ko ang pagsasalita niya sa H.O.T. TV noong Linggo tungkol sa pagkawala ng boses niya sa kanyang concert noong Friday night.
Paos na paos pa rin si Regine kaya kahit hindi ako nanood ng Silver, nagkaroon ako ng idea sa mga nangyari sa anniversary show niya.
Ipinaalaala uli ni Regine na magkakaroon ng repeat ang kanyang concert at libre ito para sa mga nanood sa The Arena noong Biyernes pero ’yung may mga hawak lang ng paid tickets ang papapasukin, hindi ang mga binigyan ng complimentary tickets.
Regine nakalipad dahil sa diet ng Belo
Hindi nakalimutan ni Regine na pasalamatan ang Belo Medical Clinic at ang Sexy Solutions na may kinalaman sa kanyang pagpayat.
Malaki ang nabawas sa timbang ni Regine mula nang manganak siya dahil sa Anti-Plateau Diet Program na ginawa ng Sexy Solutions para sa kanya.
Kita n’yo naman, dahil sa pagpayat ni Regine, na-carry niya na lumipad-lipad sa ere sa kanyang concert. Marami na ang nagtatanong sa Sexy Solutions people tungkol sa Anti-Plateau Diet Program dahil tulad ni Regine, type rin nila na pumayat sila.
Direk Maryo na-master na ang heavy drama
Tatlo sa mga alaga ko ang kasali sa cast ng Pahiram ng Sandali, si Lorna Tolentino at ang mag-asawang Sandy Andolong at Christopher de Leon.
It’s a must na suportahan ko ang kanilang bagong programa sa GMA 7 kaya dadalo ako sa presscon ng Pahiram ng Sandali.
Kasama rin sa cast sina Dingdong Dantes, Max Collins, at Alessandra de Rossi. Hindi ko ikukuwento ang plot ng drama series nina LT at Dingdong para lalong madagdagan ang excitement ng mga nag-aabang sa kanilang pagsasama sa isang malaking project ng GMA 7.
Mula sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes ang Pahiram ng Sandali. Na-master na ni Kuya Maryo ang paggawa ng mga drama movie at TV series kaya ako na ang magsasabi na hindi dapat palampasin ang bagong primetime show ng GMA 7.
Lovi at Rocco masaya sa kanilang afternoon show
Kahapon ang joint presscon nina Lovi Poe at Rocco Nacino, ang lead stars ng Yesterday’s Bride.
Parehong happy ang dalawa dahil sa mga positive feedback sa kanilang afternoon show sa GMA 7.
Mother Lily tutok na tutok sa kaisa-isang filmfest entry
Umalis si Mother Lily Monteverde noong Sabado dahil nagbakasyon sila sa New Zealand ng kanyang mga anak.
Maraming bilin si Mother bago siya umalis. Mga bilin para sa promo at publicity ng Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion, ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012.
Isa lang ang pelikula ni Mother Lily na kasali sa MMFF kaya buhos na buhos ang atensiyon niya sa promo at publicity ng Shake...
Two days to go na lang ang shooting ng pelikula kaya excited na si Mother na mapanood ang finished product.