Mukhang wala nang makakapigil pa sa pagsikat nina Jose Manalo at Wally Bayola. Hindi lamang sa concert scene sila arangkada, pati rin sa TV at pelikula. Ang maganda sa tandem na ito ay talagang mga komedyante sila, nakakatawa sila.
At kumakanta rin sila ha? Hindi sila nagpipilit, talagang may boses sila. At kahit ngayong dinudumog, tinitilian, at pinagkakaguluhan sila ay patuloy pa rin ang suporta sa kanila ng mga kasamahan nila sa Eat Bulaga. Parang reincarnation sila nina Dolphy at Panchito, Pugo at Tugo, at Joey de Leon at Rene Requiestas. Huwag lamang umangat ang mga paa nila sa lupa at tuluy-tuloy na ang pagtaas nila.
Regine nagpakapagod lang
’Di lang naman fans ni Regine Velasquez ang disappointed sa naging concert. Considering na matagal ding absent ang singer sa concert scene, ang expectation ng lahat ay isang bonggang palabas. Pero pumiyuk-piyok lang si Songbird.
Ang ikinatutuwa ko lang, they all sympathized with her. Hindi sila nagalit, bagkus naawa sila dahil nakita naman nila na talagang pinilit ni Regine na ayusin ang lahat but it was beyond her control.
Pahinga ka muna, Regine. Pinagod mo lang ng husto ang sarili mo. Bawi tayo next time.
Zanjoe never pang napagdudahang may bahid ng kabaklaan
Dahil bakla ang role ni Zanjoe Marudo sa anniversary movie ng Star Magic, takot ang fans niya na baka pagdudahan na rin ang kasarian niya.
Ano ba ’yun? Ganun ba ’yun? ’Pag bakla ang role, bakla na rin? Give Zanjoe the benefit of the doubt. After all, never siyang napagdudahan na girlie. At siya mismo, never nag-doubt dito. Kayo pa ba?