^

PSN Showbiz

Kris ayaw patulan si Sharon; Mga kaibigan ni Regine tulung-tulong na sa pagbuo ng free concert

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pagkatapos ng success ng pelikulang Bu­song sa ilang international film festival, tuluy-tuloy na ang pagpu-produce ni Alfred Vargas sa ilalim ng kanyang film outfit na Alternative Vision.

Proud na proud siya ngayon sa huling pelikulang prinodyus niya na Ang Supremo na tumatalakay sa kuwento ng buhay ni Andres Bonifacio.

Si Bonifacio ang itinuturing ni Alfred na national hero kaya gumawa siya uli ng isa pang pelikula.

Sa Nov. 30 kasabay ng selebrasyon ng 149th birthday ni Bonifacio ang premiere night nito na gaganapin sa SM Fairview, Quezon City.

Nangako raw ang mga descendant ng kapatid ni Bonifacio na si Procopio na dadalo sila sa premiere night.

Sa Dec. 5 na ang showing nito sa lahat na SM Ci­ne­­mas at suportado ito ng Department of Education.

PAK: Hindi sumagot si Kris Aquino nang hiningan namin ng statement sa isyu nila ni Sharon Cuneta.

Nakorner namin ito sa nakaraang Silver concert ni Regine Velasquez at kagagaling lang nito sa iyak dahil sa sobrang awa sa pinagdaanan ng Asia’s Songbird sa concert na ’yun.

Nang hiningian namin ng mensahe para sa Megastar, “ayoko” lang ang sagot nito at tinalikuran na kami.

BOOM: Tulung-tulong ang mga malalapit na kaibigan ni Regine Velasquez na mabuo ang free concert na gagawin niya para makabawi raw siya sa kanyang fans.

Pagkatapos niyang magkasakit at sa hindi ma­gandang performance nito sa 25th anniversary concert niya nung nakaraang Biyernes, nangako siyang uulitin ito kaya sinabihan ang audience na huwag itapon ang hawak nilang ticket.

Sabi nito: “I promise I’ll do it again, and I’ll do it for free. I’ll show you how it should be done.”

Kaya tilian ang mga tagahanga na talagang su­mu­porta sa kanya at hindi ito nilayasan.

Pati ang mga guest at si Maestro Ryan Cayabyab ay nangakong tutulong sila na walang bayad para mabuo lang ang free concert na ipinangako ni Regine.

“Siyempre babayaran naman ang ibang staff na magtatrabaho uli dahil iyon lang naman ang trabaho nila at nagpakahirap sa concert na ito,” pahayag pa ni Maestro Cayabyab.

Pero hindi napigilan ni Regine na umiyak nang umiyak sa kanyang dressing room pagkatapos ng concert dahil sa sobrang disappointment sa kanyang performance dala ng sakit na dumapo sa kanya.

 

ALFRED VARGAS

ALTERNATIVE VISION

ANDRES BONIFACIO

ANG SUPREMO

BONIFACIO

CONCERT

DEPARTMENT OF EDUCATION

KRIS AQUINO

MAESTRO CAYABYAB

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with