Alfred maraming alam kay Bonifacio!

Sabi ni Alfred Vargas sa presscon ng Ang Supremo, wala silang budget para sa TV posting, kaya sa print media humingi ng tulong na maipaalam sa tao na showing na ang pinagbibidahang pelikula sa Dec. 5. Ginagampanan niya ang role ni Andres Bonifacio, sa direksiyon ni Richard Somes. 

 “I’m humbly asking for your support, nagmamakaawa kami na tulungan kaming i-promote ang Supremo,” pakiusap ni Alfred na producer din ng pelikula ang kapatid na si Paul Michael Vargas.

Second time na ni Alfred na gumanap bilang si Andres Bonifacio at ang una’y sa Paglilitis pero naka-focus lang ’yun sa paglilitis ni Bonifacio, mas malawak ang tatalakaying life story ng bayani sa Supremo. Maraming madidiskubreng bago sa kanya ang moviegoers at matutuwa ang Bonifacio diehard.

First time makatrabaho ni Alfred si Richard at ang team nito at sa tono ni Alfred, hindi magiging last. Bumilib siya sa kanyang direktor na siya na ring production designer dahil malaki ang kanilang natipid. Ginamit nila sa shooting ang ibang props na ginamit sa ibang pelikulang ginawa nito.

Isa pang ikinabilib ni Alfred, kamukha sa original na karakter ang mga kinuha ng direktor na gumanap sa important cast ng historical movie. Kaya kamukha ni Melchora Aquino si Hermie Concepcion at kamukha ni Macario Sakay si Mon Confiado at hawig din kay Gregoria de Jesus si Nica Nuval.

Para makapag-swimsuit, LT todo diet para kay Dingdong!

Sa Caliraya this Sunday kukunan ang beach scene nina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes sa Pahiram ng Sandali. One-piece swimsuit ang isusuot ni LT at dahil hindi na uso ang trunks ay board shorts naman ang isusuot ni Dingdong.

Nag-effort ang dalawa na magpapayat para paghandaan hindi lang ang beach scene, pati na ang buong run ng family soap. Si LT, patuloy na nagda-diet at nag-detox pa. Nang ma-interview namin, may iniinom na Detox in a bottle from Nadine Tengco. Ten pounds pa raw ang kailangan niyang ibawas sa kanyang timbang at ia-achieve niya ito.

Si Dingdong nama’y vegetable and fish ang main diet at feeling nito, lalo siyang pumayat dahil puyat sa rami ng trabaho. Bukod sa soap, tinatapos din nito ang pelikulang One More Try na entry ng Star Cinema sa 2012 MMFF.

Sa Nov. 26 ang pilot ng Pahiram ng Sandali sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes at sabi nina LT at Dingdong, hindi nila mabitawan ang script ’pag kanilang binabasa. Mabilis ang pacing ng story at marami ang mangyayari first week pa lang.

Kahit hindi ikinampanya ng mga kamag-anak Sophie Albert magpa-party sa bahay ng mga Cojuangco

Nahuli man, pero inihabol din, ang tinutukoy namin ay ang victory party sa pagkakapanalo ni Sophie Albert na best actress sa Artista Academy. Gaganapin sa bahay ng mga Cojuangco sa Dasmariῆas, Makati City ang big celebration na dadaluhan ng prominent relatives ng dalaga at mga kasama sa Artista Academy.

Very proud daw ang relatives ni Sophie from both sides of her family dahil hindi nito ginamit ang pagiging Cojuangco at pagiging first cousin niya ni Tanya Garcia. Ibang apelyido ang ginamit ng girl at kahit sa early presscon, ang relasyon lang kay Tanya ang binanggit.

Nabuking lang na mula siya sa pamilya ng mga Cojuangco nang bumiyahe ang mga taga-AA sa Hong Kong at nalamang Cojuangco ang apelyido niya sa kanyang passport.

Si Vin Abrenica naman tuloy ang recording at sa major label na, under MCA Universal, kaya mas mapapadaling matapos at ma-release. Pero in charge pa rin si Noel Ferrer at DJ Myke.

Dalawa ang shows na gagawin nina Sophie at Vin sa TV5, mauuna ang drama anthology at early next year ang FB: Forever Barkada, ang show nila kasama ang ibang produkto ng Artista Academy.

 

Show comments