Gelli at Ariel mas may future sa ‘Pinas kesa Canada
Magaganda ang mga role na naibibigay kay Ariel Rivera sa ABS-CBN. Natapos siyang maging ama ni E-Boy, ama-amahan naman siya ni Maja Salvador sa Ina Kapatid Anak. At gusto ng manonood ang role na ginagampanan niya sa serye. Noon pa naman magaling si Ariel. Nagtataka lang ako kung bakit pinatagal pa niya bago siya nagpasyang mag-concentrate sa pag-arte?
Hindi ba nag-isip pa silang mag-migrate? ’Yun pala nandito lang pala ang magandang buhay at trabaho para sa kanila. Sana hindi na sila umalis. May magandang kinabukasan sila rito.
Ryza walang senyales na tibo
Porke ba walang boyfriend ang isang girl ay tomboy na siya? Napaka-unfair n’yo naman! Baka naman kung hindi mapili ang girl ay hindi lang siya ligawin. Maraming babae ang ganito pero hindi sila tiboli ha?! Ito ang paratang ng marami kay Ryza Cenon dahil nakakatagal siya ng walang boyfriend bagaman at sinabi niyang nagkakaroon naman pero ’di taga-showbiz kaya hindi napag-uusapan. Siyempre itinanggi niyang tiboli siya. Na kailangan nating paniwalaan dahil wala naman tayong nakikita sa kanya na nagsasabing hindi siya girl.
Annabelle kinatatakutan na ng kalaban
Ang dami-daming alaga ni Mama Annabelle Rama na malaki ang maitutulong kapag nagsimula na siyang mangampanya para sa eleksiyon.
Bukod sa mga alaga niya ay naririyan pa ang mga sikat niyang anak na artista na nagsabing hindi nila siya pababayaan. Paano ba hindi matatakot ang mga makakalaban niyang pulitiko sa Cebu?
Pero feel ng marami na ang magiging pinakamalaking taga-kampanya niya ay ang dalawa niyang apo na sina Lorin at Venice na talaga namang lovable at charming. Ngayon pa lamang ay sinasabi nang ang dalawa ang magbibigay kay Lola Annabelle ng maraming boto. Maghintay lang kayo.
- Latest