^

PSN Showbiz

Natuwang ‘di muna tuloy ang serye: Judy Ann ayaw barubalin ang pagho-host

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Medyo mauurong ang pagpapalabas ng teleser­yeng Against All Odds na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos, Sam Milby, KC Concepcion, at Jericho Rosales. Nagkaroon kasi ng kaunting problema sa schedule ng mga nasabing bida dahil abala rin sila sa kabi-kabilang proyekto. Katulad na lamang ni Judy Ann na nagsimula nang umere noong Lunes ang MasterChef Pinoy Edition na sarili niyang programa.

“Tuloy pa rin. Wala namang nabago and wala namang nadagdag, wala ring nabawas. Tuloy pa rin siya definitely. Nag-shoot na kami, marami na. Naka-isang linggo na kami, naka-pilot week na kami. May mga consideration na kaila­ngang gawin kasi pati sa production. Mara­ming kailangan i-adjust with the teleserye. Hindi naman made-delay masyado ’yung taping, ’yung airing lang,” paliwanag ni Judy Ann. 

Mas pabor sa aktres kung hindi niya magkasabay na ginagawa ang dalawang magkaibang proyekto.

“Actually, sa akin okay lang. Ini-explain ko rin naman sa kanila na kung ipapagawa n’yo sa akin ’yung MasterChef, hindi ko kayang pagsabayin ’yun at ’yung teleserye kasi paniguradong may isang magsa-suffer. Ayoko naman ng ganun. Ayoko namang mag-suffer ’yung performance ko roon. Ganun din dito sa pagho-host kasi bagong pasok lang ako rito, babarubalin ko na. So, naintindihan naman nila,” kuwento pa ni Juday.  

Kaya pala nagkahiwalay Maja napagod sa kakahintay na magka-oras si Matteo

Kahit ilang buwan nang magkahiwalay sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli ay may mga pagkakataon na naaalala pa ng dalaga ang nagwakas nilang relasyon ng aktor.

“Parang minsan okay ako, ’tapos minsan parang may kulang. Anong nangyari? What happened? Parang babalikan mo pero siyempre kailangan mong tanggapin ngayon. Kailangan mong mag-move on. Life goes on,” bungad ni Maja.

Ano nga ba ang tunay na dahilan sa kontrobersiyal na hiwalayan ng dalawa? “Siyempre parehas kaming busy, ’tapos siya busy sa teleserye, meron siyang kinabi-busy-han din na triathlon ngayon. So, ako kasi inaamin ko na grabe akong magmahal at ’pag nawawalan ng oras sa akin, gusto ko kasi kahit paano nagkakasama kami, may oras kami sa isa’t isa pero kapag ‘yun nga. Siguro ’pag magkaroon ka ng triathlete na boyfriend mahirap talagang magsabay ’yung oras n’yo,” paliwanag ng dalaga.

Naalaala rin ni Maja ang mga panahon noong magkasintahan pa sila ni Matteo. Madalas talagang gumawa ng paraan ang aktres para makasama lamang ang binata. “Nakakasabay pa ako sa trainings niya eh, sa mga takbo, ’yung swimming, natuto po akong mag-swimming. So, siyempre bilang responsibility mo rin bilang girlfriend masasabayan mo,” kuwento ni Maja.

Hanggang sa dumating na raw ang punto na hindi na sila madalas magkita at magkasama dahil sa kanya-kanyang mga ginagawa kaya humantong na sa hiwalayan ang dalawa. Reports from JAMES C. CANTOS

 

AGAINST ALL ODDS

AYOKO

JERICHO ROSALES

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

MAJA

MAJA SALVADOR

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with