^

PSN Showbiz

Misis ni Cong. Angara apat na taong namundok

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi ibig sabihin ng rebel wife ay nagri-rebelde ang magandang may-bahay ng kinatawan ng lone district ng Aurora, na si Juan Edgardo M. Angara sa kanyang masipag na kabiyak. Ang pagiging isang rebelde ay apat na taong naging buhay ni Tootsie Angara nung kabataan niya nang dalhin siya ng kanyang inang socialite turned rebel na si Baboo Mondonedo para mamuhay sa bundok ng Cordilleras.

Dito ay naranasan niya ang mamuhay ng napaka-simple, walang night life, walang mga lakwatsa at pati edukasyon ay hindi niya nakuha sa paaralan. Personal itong ibinigay ng kanyang ina.

Sa bundok din niya nakilala ang mga popular na rebelde na sina Maita Gomez at si Fr. Conrado Balweg. Naging kasa­ma nila ito sa kanilang pamumundok. “Hindi naging madali ang buhay namin noon, palagi kaming lumilipat ng lugar. Mabuti na lamang at apat na taon lamang ito inabot. Nagawa ko pa ring magkapag-aral sa grade school sa Immaculate Conception Aca­de­my, high school sa UP Baguio at college sa De La Salle University,” anang babae na nakatapos ng kursong marketing at hindi mo aakalain na ina na pala ng tatlong kabataang edad na walo, anim, at isang taong gulang.

Masaya si Tootsie, ang magandang ginang ng congressman na sumama sa launching nito bilang pro­duct endorser ng pabangong panglalaki ng Ever Bilena, ang Elite. Hindi lamang dahil sa kanyang ganda kundi dahilan sa kanyang pagiging grasyosa sa tao kung kaya maraming pagkaka­taon ay naagawan niya ng spotlight ang kanyang napakasipag na asawa.

Sinadya ang pagkikilala at pagkikita nina Cong. Sonny and Tootsie. Na-set up sila para maging blind dates. Noong una ay ayaw pa siyang maka-blind date ng congressman dahil sa awkward pa siya at sobrang payat. Pero dahil sila naman ang talagang itinakda kung kaya sila rin ang nagkatukuyan in the end. Siyam na taon na silang nagsasama.

 Ipinaliwanag naman ng mga nasa likod ng Ever Bilena, bago pa maintriga si Cong. Sonny na hindi nito pinapalitan bilang product endorser si Christian Bautista. Ibang pabango naman ang iniendorso nito. Tulad din ng may kanya kanyang produkto sina E­rich Gonzales at Daiana Me­nezes.

 Bilang kinatawan ng Kongreso, nakapag-file na siya ng 19 na national bills na naging mga batas na.

Mga sundalo sa AFP Theater mahigpit sa walang kotse

Maganda ’yung indie film na ginawa ni Direk Neal Buboy Tan at nagkaroon ng premiere night sa AFP Theater sa Quezon City nung Huwebes ng gabi. Pinamagatang Talo, Tabla, Panalo, dinaluhan ang premiere showing ng miyembro ng cast sa pa­ngu­­nguna nina German Mo­reno at Eddie Garcia.

Tatlo silang bida sa movie trilogy pero wala si Boots Anson Roa, ang bida sa ikatlong episode dahil may dinaluhan itong mahalagang event sa Ja­karta, Indonesia. Pero dumating sina Deborah Sun, Liz Alindogan, Lara Morena para samahan sina German at Eddie, ganundin ang mga producer ng pelikula na sina Tony at Amy Abarquez. Sumuporta rin sina Lilia Dizon, Delia Razon, Pempe Rod­rigo, Kristel Romero, Cong. Andrew Go, at marami pang iba.

Madaling maka-relate sa pelikula na magandang nagawa ni Direk Neal tungkol sa mga senior citizen at ang buhay na pinagdaraanan nila ngayon na kadalasan ay mahirap dahil lamang sa kanilang katandaan. Layunin ng pelikula na bigyan sila ng dignidad sa kanilang katandaan at gawing masaya at magaan ang kanilang buhay.

Ipalalabas dito ang pelikula na balak ding ipapanood ng mag-asawang Abarquez sa Amerika.
Napansin ko lang na napakahirap magpa-premiere night sa loob ng AFP o Camp Aguinaldo. Mga pribadong sasakyan lang ang pinapasok at ’yung nga naka-taxi lamang ay kinailangang umikot ng napa­kalayo pa gayung malapit lamang sa gate ang AFP Theater. Hindi naman grasyosa ang naka-assign sa gate kapag tinanong mo kung bakit at anong dahilan kung bakit magkaiba ang standard na ipinatutupad sa mga naka-kotse at naka-taxi lamang.

Naniningil ng karagdagang P50 pesos ang mga driver ng taksi sa halagang indicated sa metro dahil malayo pa raw ang tatakbuhin nila para makalabas ng kampo. Akala ko mga security guard lamang ang mahirap kausapin pero pati rin pala mga sundalo?

Greyson Chance dinumog ng mga Pinoy

Nasa Trinoma ako nung Linggo at nagtaka ako kung bakit napakahirap dumaan sa lugar na kung saan ay matatagpuan ang stage o activity center.

Punung-puno talaga at hindi mahulugang kara­yom. Nung tingnan ko naman kung sino ang hinihin­tay ng lahat, nabasa ko ang pangalang Greyson Chance na sabi ko ay hindi ko kilala. It was my daughter who informed me na recording artist ito, isang 15-year-old American teen pop singer/composer and pianist na naririto para mag-promote ng kanyang album. Sikat siya base sa rami ng taong halos magtulakan para lamang siya makita at mari­nig.

Si Lee Min Ho, ang Korean big star na duma­ting din ay pinagkaguluhan sa airport ay kilala ng mga apo ko — edad tatlo, lima, at walo. Napapanood nila at ako rin sa TV. Unlike the teen Greyson, kilala ko si Lee na naging bahagi ng counterpart ng F4.

Masyado pang maliliit ang mga apo ko para ihabol ko sa Korean superstar.

 

AMY ABARQUEZ

ANDREW GO

EVER BILENA

GREYSON CHANCE

KANYANG

LAMANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with