Bukas ay magtatapos na ang teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao, Bangs Garcia, at Jake Cuenca.
Ayon kay Jake, makakapag-concentrate na siya ngayon sa Kahit Puso’y Masugatan ng Primetime Bida kung saan isa rin siya sa mga bida ng serye.
“Sobrang nagpapasalamat ako kasi tinutukan talaga siya, sobrang nakaka-flatter. Medyo naging busy talaga pero nakakalungkot kasi siyempre pamilya kami pero hindi naman nagtatapos lahat eh. To me Shaina is my favorite leading lady. Si Bangs, we’ve done so many projects together. Ang pagkakaibigan namin, ’di mawawala ’yon. Kung Ako’y Iiwan Mo was a baby project for me. Bineybi ko talaga ang project na ito. I really love the show. I’m just happy na tumagal kami,” nakangiting pahayag ni Jake.
Hindi raw talaga dapat palampasin ang mga huling eksena sa pagtatapos ng kanilang soap opera.
“Sobrang daming pasabog. Kung sa tingin n’yo matataas ang eksena na napanood n’yo noon, wala nang mas tataas pa rito kasi at this point desperado na lahat ng characters and a desperate person does desperate things na minsan hindi tama,” paglalarawan ng aktor.
Samantala, nagpaplano na si Jake na magbakasyon sa Bali, Indonesia sa susunod na buwan at sa Enero na ang kanyang balik sa bansa.
“I’ve never been there eh but I heard a lot of good things about it. Actually, si Miss Gloria Diaz ang nagsabi sa akin. Kung gusto mong magpahinga talaga, mag-rest, mag-start, Bali raw talaga. Sobrang ganda raw talaga doon,” sabi pa ng binata.
ENCHONG INIWAN NI JULIA
Hindi raw totoo ang napabalitang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Enchong Dee at Julia Montes kamakailan. “Sobrang okay kami. Nakakatawa kasi kung kailan tahimik, siguro alam din kasi nila na magpo-promote kami ng The Strangers,” bungad ni Enchong. “Ang masasabi ko lang, sana maging maganda ang turnout ng pelikula pero sana hindi basehan ang personal na buhay kasi maayos talaga kami.”
Kung hindi man magkasama sa trabaho sina Enchong at Julia ngayon ay hindi naman nawawala ang kanilang komunikasyon. Lalo pa’t iniwan muna pansamantala ni Julia ang binata papuntang Europe.
“Same pa rin. ’Yun nga lang, nagkataon lang na tapos na kami mag-shooting ng The Strangers. So, nasa Europe siya, mag-shoot siya ng movie niya with Coco Martin, kaya hindi na naman kami ulit nagkikita. But we’re okay, we’re doing good,” kuwento ni Enchong.
Masaya naman ang binata dahil nagkaroon sila ng pagkakataon ni Julia na makapag-bonding sa Amerika kamakailan. Reports from JAMES C. CANTOS