Lovi, hindi na inililihim ang paglipat sa ABS-CBN

PIK : Si Oyo Sotto ang nag-represent kay Vic Sotto, at si Jolo Revilla naman ang nag-represent kay Sen. Bong Revilla sa presscon ng Metro Manila Film Festival na ginanap  kamakalawa ng hapon.

Kasama rin nila si Gwen Zamora at ang anak ni Princess Revilla na si Anton Revilla na ipapakilala sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng at si Ako.

Pagkatapos nilang ipinakilala, kaagad na umiwas si Oyo sa mga gustong mag-interview sa kanya.

Malamang na tatanungin na naman siya tungkol sa isyu ng ama niya at kay Pauleen Luna. Natakasan nito ang mga gustong mag-interview sa kanya.

Si Jolo naman ay tungkol pa rin sa relasyon nila ni Jodi Sta. Maria ang tinatanong.

Tipid pa rin naman ang sagot ng binata. Basta hindi naman daw niya itinatangging si Jodi ang isa sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya ngayon.

PAK: Napaiyak ang ina ni Bea Binene nang nakausap namin tungkol sa napabalitang hidwaan ng kanyang anak at Barbie Forteza.

“Nakakalungkot lang. Hindi pa nga tapos ang problema namin dun sa isa, dagdagan pa ng kay Barbie,” lumuluha niyang pahayag.

 “Hindi naman po totoo ‘yun. Bihira lang silang magkita ni Barbie pero hindi po sila magkaaway. Bakit ginaganun nila ang anak ko. Hindi palaaway ang anak ko,” patuloy pa nito.

Naging emotional ang ina ni Bea na si Carina dahil meron pa pala silang pinagdaanan ngayon.

Ayaw na lang niyang idetalye kung ano ito, pero malalaman din daw bandang huli kung ano ang pinagdaanan ng kanilang pamilya.

BOOM: Hindi naman itinatanggi ni Lovi Poe ang balitang may balak itong lumipat ng ABS-CBN.

Ang sagot lang ng young actress, may kontrata pa siya sa GMA 7 at hanggang sa susunod na taon pa raw ito.

Hindi niya rin deretsahang sinagot na Kapuso pa rin siya. Basta may existing contract pa raw siya at kailangan daw niya itong sundin.

Meron pang Yesterday’s Bride si Lovi, at ang pagkakaalam namin meron pang pinaghahandaan ang GMA 7 sa kanya.

Kaya lang hindi naman niya masagot kung magri-renew ba siya pagkatapos ng kontrata nito sa GMA 7.

Show comments