Alive na alive ang presscon kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil bukod sa mga invited guest, umapir din ang mga gatecrasher o gaka.
Naki-join din sa maingay na presscon ang mga artista na may pelikula na kasali sa MMFF 2012 na sina Oyo Sotto, Gwen Zamora, at Jolo Revilla ng Si Agimat, Si Enteng at Ako, si Nora Aunor ng El Presidente, Quezon City Mayor Herbert Bautista ng Shake, Rattle & Roll 14, si Bianca King ng Sossy Problems, si Johnny Revilla ng The Strangers at sina AiAi delas Alas at Vice Ganda ng Sisteraka.
Present din sa presscon ang mga artista at direktor ng mga pelikula na official entry sa New Wave section ng MMFF 2012, sina Sef Cadayona, Matteo Guidicelli, Biboy Ramirez, at marami pang iba na hindi ko na matandaan ang mga pangalan.
Lima ang official entries sa New Wave, ang Ad Ignorantiam ng Quantum Films, Gayak ng Pro.Pri Artist & Advertising, In Nomine Matris ng HUBO Productions, Paglaya sa Tanikala ng Kuwentista Production, Inc. at ang The Grave Bandits ng Paper Boat Pictures.
Bongga ang cash prizes para sa mga mananalo ng best picture, best director, at best actor categories ng New Wave. Talagang naglaan ng malaking premyo ang MMDA at ang MMFF executive committee kaya lalong ginanahan ang mga producer ng mga nasabing pelikula.
Mahigpit ang yakap sa akin ni Nora nang magkita kami kahapon sa presscon.
Dalawang pelikula ni Nora ang kasali sa MMFF, ang Thy Womb at ang El Presidente. Si Nora ang lead actress sa Thy Womb at siya ang gumanap na asawa ni Laguna Gov. ER Ejercito bilang General Emilio Aguinaldo sa El Presidente.
Malamang na hindi makasakay si Nora sa float ng El Presidente sa Parade of Stars sa Dec. 24 dahil kailangan siya sa float ng Thy Womb.
JOLO CAREFUL SA PUSO NI JODI
As usual, tungkol sa love affair nila ni Jodi Sta. Maria ang itinanong kay Jolo Revilla ng mga reporter sa MMFF presscon.
Walang dapat ika-worry ang fans ni Jodi dahil love na love ni Jolo ang aktres.
Sapat na ang kanyang sinabi na “he will be careful with Jodi’s heart” para sa ikapapanatag ng kalooban ng mga supporter ni Jodi.
Best friend ng pinatay na modelo, akting na akting sa pagsisinungaling!
Mabilis na nalutas ng mga pulis ang pagpatay sa model at aspiring actress na si Julie Anne Rodellas dahil sa resibo na hawak niya nang matagpuan ang kanyang bangkay.
Lumitaw sa imbestigasyon ng mga pulis na may kinalaman sa pagdukot at pagpatay kay Julie Anne ang kanyang best friend na si Althea Altamirano na aspiring actress din at kaibigan ng ilang mga artista.
Nakakapanlumo ang drama ni Althea na nagpainterbyu pa sa isang reporter ng GMA 7. Umiiyak na ikinuwento ng hitad na hindi sila tinulungan ng mga pulis nang dukutin si Julie Anne sa harap ng World Trade Center sa Pasay City.
Ang kapal ng mukha niya na sisihin ang mga pulis eh sila pala ng kanyang boyfriend ang itinuturo ng mga imbestigador na utak sa pagpatay kay Julie Anne!
Galit si Althea kay Julie Anne dahil ipinagkakalat daw nito na meron na siyang dalawang anak na totoo naman pala.
Hindi lamang ang mga kamag-anak ni Julie Anne ang nagagalit kay Althea. Imbiyerna rin ang publiko na sumubaybay sa kaso ng pagpaslang sa pobreng model/aspiring actress. Nabuhay uli ang clamor na ibalik ang death penalty para maturuan ng leksiyon ang mga masasamang loob na basta na lamang pumapatay ng kapwa.
Sa isang kisapmata, nagbago ang takbo ng buhay ni Althea at ng mga suspect sa pagpatay kay Julie Anne dahil sa kasalanan na ginawa nila.