MANILA, Philippines - Ngayong Nobyembre, magsisilbing role models sa kabataan sina Chris Tiu at Nikki Gil sa pamamagitan ng pagtalakay nila sa buhay nila bilang estudyante at artista.
Para kay Nikki, hindi sapat ang 24 oras bilang working student.
“Sobrang hirap po talaga. May mga araw na wala po akong tulog at minsan pumupunta ako sa library para magpahinga,” pag-amin ng Kapamilya singer/actress.
Naranasan din ito ng varsity player na si Chris dahil pinagsasabay niya ang paglalaro ng basketball at pag-aaral para sa kanyang kursong management engineering.
Kilalanin pa sina Chris at Nikki sa isyu ng Chalk magazine ngayong buwan. Mababasa rin sa numero unong campus mag ang tungkol sa mga kabataang may sikat na apelyido tulad nina Janine Gutierrez, Kiana Valenciano, Kobe at Andre Paras, at Clarice Patrimonio. Tampok rin sa magazine ang gift guide para sa Christmas shopping, makeup looks ng mga artista sa Hollywood, tips upang magkaroon ng katawang mala-artista, at marami pang iba.
Samantala, nagdaos ang Chalk ng isang thanksgiving party na pinamagatang We’ve Got Game, The Big October Issue Blow-out sa Aracama Bar and Restaurant sa Fort Strip, Taguig City kamakailan. Pinuntahan ang pagdiriwang ng mga fashion enthusiast at mga artistang tulad nina Andie Eigenmann, Megan Young, I.C. Mendoza, Mike Concepcion, Nicole Anderson, at Victor Silayan.