MANILA, Philippines - Kumalat agad sa mga entertainment blog site na hiwalay na sina Justin Bieber at Selena Gomez.
Isa sa pinaka-high profile relationships ang kina Bieber at Gomez dahil lahat ng puntahan nila at pagsamahan ay sinusundan ng paparazzi at laging ibinabalita.
Noong February 2011 umamin sa relasyon ang dalawa noong sabay pumunta ng Oscars night party pagkatapos ng ilang buwan na natsitsismis ang kanilang pagde-date.
Ang E! Online ang unang nag-report na break na ang dalawa. Kinumpirma naman ito ng Us Weekly dahil nakausap nito ang mga taong close sa dalawa.
Pero wala pang ibinibigay na official statement ang mga representative nina Bieber at Gomez kaya pahulaan pa rin kung ano ang naging dahilan nang paghihiwalay nila.
Ang sinasabi lang ay nagkaroon daw ng problema ang dalawa sa kanilang work schedule. Busy si Bieber sa kanyang magkakasunod na tour dahil sa kanyang album promotion. Nag-No. 1 kasi ang bago niyang album na Believe at nag-top pa siya sa Billboard’s 21 Under 21 list of top young musical acts.
Lagi na lang daw hindi priority si Gomez at sa mga hiling nitong magkaroon naman sila ng private vacation. Hindi siya mapagbigyan ni Bieber dahil sa maraming commitments.