Deadfall, mas aksiyon!

MANILA, Philippines - Mula sa pagnanakaw nila sa isang casino na nabulilyaso, naaksidente ang kanilang sinasakyan na nagresulta sa pagkamatay ng kanilang drayber at isang state trooper habang papatakas, ang magkapatid na sina Addison (Eric Bana ng Troy, Star Trek, at Hulk bilang Dr. Bruce Banner) at Liza (Olivia Wilde ng TRON: Legacy, Aliens and Cowboys, at TV’s House) ay naghiwalay at tinangkang makaabot sa Canadian border sa pinakamalalang sitwasyon, sa gitna ng isang whiteout blizzard.

Habang patungo si Jay (Charlie Hunnam), isang dating boksingero, sa Thanksgiving party para sa muling pagbabalik ng kanyang mga magulang na sina June (Academy Award winner Sissy Spacek) at ang retiradong sheriff na si Chet (Academy winner ding si Kris Kristofferson) at tinulungan niya si Liza at isinama.

Sa bahay nila Jay ay magkikitang muli ang magkapatid na sina Liza at Addison na mauuwi sa isang maikli, makahulugan, at kapana-panabik na komprontasyon na magtutulak sa limitasyon ng pagsasama ng isang pamilya.

Maaksiyon at may drama ang pelikulang Deadfall na mapapanood na sa Dec. 5. Ito ay mula sa direksiyon ng isa pang Academy Award winner, si Stefan Ruzowitzky na nagdirek din ng pelikulang The Counterfeiters, at sa produksiyon ng producers ng Saving Private Ryan, The Patriot, at Snakes on the Plane.

 

Show comments