Parang That’s Entertainment ang bagong TGIS na ang tampok ay bago at kabataang artista at mga anak o kamag-anak ng artista. Sina Christopher de Leon at Sandy Andolong ay may anak na kasali rito, si Gabriel o Gab de Leon. Meron din sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Cong. Lani Mercado, si Gianna Revilla. Kasama rin sa show ang bunso nina Pia at Francis Magalona na si Arkin Magalona. At ang winners ng nakaraang Protégé na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.
I’m sure mas darami pa ang magiging members nito, habang nagtatagal ito.
Malalaman ko kung pati konsepto nito ay matutulad din sa That’s.
Sana hindi, para hindi ako masyadong masaktan na ang matagal ko nang gustong i-revive na That’s Entertainment ay magaganap din pala pero hindi sa akin ibinigay at may iba lang na titulo.
Glaiza hindi kailangang ma-intimidate kay Cherie
Kataka-taka ba kung lamunin ni Cherie Gil sa aktingan si Glaiza de Castro? Mas nakakahiya kung it’s the other way around. Nakikita ko naman si Glaiza sa Temptation of Wife at naniniwala ako na malaki na ang na-improve ng acting niya. Sa confrontation scene nila ni Cherie, hindi naman siya iniwan nito ng milya-milya. Nagawa naman niyang iangat ang sarili niya.
Kahit kontrabida ang role niya, she doesn’t look mean and menacing. Maganda pa rin siya pero alam mong may gagawing masama.
Let her learn a lesson or two from Cherie. Pero sana hindi siya ma-intimidate ng beteranang artista. She’s holding on her own with not so much effort.
Judy Ann parang ngayon pa lang nagdadalaga
Wala akong masabi. Ang ganda-ganda ngayon ni Judy Ann Santos. Parang ngayon lang siya nagdadalaga. Baka naman ma-insecure na niyan si Ryan Agoncillo at maging seloso na. Alam ba niya na siya ang pinagpapagandahan ng asawa?
Obvious na happy sa kanyang buhay si Juday. Ito ang naidulot ng kanyang pamilya. Kaya pati career ay kaya niyang isakripisyo para sa kanyang mag-aama.