Naiyak-iyak ako sa presscon ni Ruffa Gutierrez at ng kanyang mga anak na sina Venice at Lorin noong Huwebes.
Nakita ko kasi ang sobrang pagmamahal ng mga bagets sa kanilang ina. Tiyak na maiinggit ang ibang mga nanay kapag na-witness nila ang genuine love nina Lorin at Venice kay Ruffa.
Mababait at magagalang din ang dalawang bata na Inglesera kaya hindi mo iisipin na apo sila ni Annabelle Rama. Maganda ang pagpapalaki ni Bisaya kay Ruffa at sa ibang mga anak nila ni Eddie Gutierrez kaya mahusay din ang pagpapalaki ni Ruffa kina Lorin at Venice.
Humarap sa press ang mag-iina dahil sa The Love Collection, ang mga damit na pambata na creation nina Lorin at Venice, sa tulong ng fashion designer na si Rajo Laurel.
Nakakamangha ang mga anak ni Ruffa dahil sa murang edad, alam na nila kung ano ang kanilang mga gusto. Pamilyar din sila sa mga tela ng mga damit na pambata na ginawa ng kanilang Tito Rajo.
May karapatan si Venice na magsabi na type nito na maging fashionista kapag nagdalaga na siya.
Proud mama si Ruffa at proud lola si Annabelle na lumuwas muna ng Maynila mula sa Cebu para masamahan niya sa presscon sina Lorin at Venice.
Kitang-kita sa mukha ng mag-inang Annabelle at Ruffa ang happiness dahil sa mga smart answer ng mga bagets sa mga tanong ng mga reporter.
Mabibigo si Annabelle na i-manage ang showbiz career ng kanyang mga apo na nag-dialogue na hindi nila type na maging artista.
May ibang plano para sa kanilang buhay ang mga articulate na bagets.
Mabibili sa House of Laurel ang The Love Collection. Tuwang-tuwa si Ruffa nang ibalita nito na mauubos na ang 250-piece children’s dresses na mula sa idea ng kanyang mga anak at ni Rajo.
Iniisip na ni Ruffa ang next children’s collection nina Venice at Lorin na nag-promise na iipunin nila ang kadatungan na kikitain mula sa The Love Collection para may magastos sila sa kanilang biyahe sa Australia. Dream ng mga bagets na makapagbakasyon sa bansa ng mga kangaroo.
Mel hindi napigilang umiyak nang tsugihin ang kanyang programa
Kung napaiyak ako sa presscon nina Ruffa, Lorin at Venice, napaiyak naman kahapon si Mel Tiangco sa press launch ng Magpakailanman.
Hindi napigilan ni Mama Mel ang pagtulo ng kanyang luha nang mapanood niya ang AVP at past episodes, five years ago, ng kanyang top-rating program sa GMA 7. Malalim pala ang dahilan ng pag-iyak ni Mama Mel dahil naalaala niya ang isang eksena na nangyari noon sa Star Awards for TV.
Ang kuwento ni Mama Mel, stunned na stunned siya nang lumapit sa kanya si Joseph Bungcalan, ang former executive producer ng Magpakailanman.
Sinabi ni Joseph na may utos daw mula sa itaas na i-announce ni Mama Mel sa Star Awards ang nalalapit na pamamaalam sa ere ng Magpakailanman.
“That was so mean” ang sabi ni Mama Mel na hindi sinunod ang sinabi ni Joseph. Nang mapanood kahapon ni Mama Mel ang AVP ng Magpakailanman, naalala raw niya ang sakit na naramdaman sa Star Awards for TV kaya napaiyak siya.
Masyadong dinamdam ni Mama Mel ang nangyari. Pinili niya na manahimik pero kahapon, sinabi niya ang mga sama ng loob na matagal na kinimkim.
Ipinangako ni Mama Mel na mas maganda ang Magpakailanman na magsisimula sa Sabado, November 17, dahil ibinuhos niya sa show ang lahat ng kinimkim na sama ng loob.
Bago niya tinanggap ang offer na maging host muli ng Magpakailanman, may mga kundisyon na hiningi si Mama Mel na ibinigay naman ng GMA 7 management. After all, Mel Tiangco is Mel Tiangco!