Party Pilipinas, unstoppable!

MANILA, Philippines - Maghanda na para sa pinakamasaya at pinakamatinding party tuwing Linggo ng tanghali dito sa Party Pilipinas Unstoppable.

Hindi pa tapos ang Halloween dahil magpapatuloy na ang part 2 ng Frank N’ Birit:  A Lagimusical. Magkakatuluyan na kaya sina Doktor Frank at Birit o magiging malagim na ka­tapusan ang kanilang love sto­ry? Aba­ngan kasama sina Aljur Abrenica, Fren­cheska Farr, Jolina Magda­ngal at John “Sweet” Lapus.

Wala rin makakaawat sa ga­ling ni Ms. Regine Velasquez - Alca­sid dahil hahandugan niya tayo ng kanta mula sa kanyang 25th Anniversary Concert. Sak­sihan ang classic na vocal patalbugan kasama ang Party Pilipinas All Stars - Ogie Alcasid, Janno Gibbs, and Jaya.

Magpapabida rin ang dance crew ng Party Pilipinas. Makikihataw din ang grand finalist ng Protégé kasama ang mga tweens na sina Bea Binene, Louise delos Reyes, Lexi Fernandez at Joyce Ching.

Mapupuno rin ng kaseksihan ang inyong hapon dahil makakasama ng mga sexy girls ng Party Pilipinas ang Korean It girl at DJ na si Jinri Park! Hindi rin dapat palampasin ang debut ng isang mas daring, mas intense at mas sexy na si Julie Anne San Jose!

 At maghaharap din ang Viva La Diva at ang reunion ng da­ting members ng Sugar Pop na sina Julie Anne San Jose, Rita De Guzman at Vanessa Rangadhol!

Imbitado rin kayo sa celebration ng birthdays nina Bea Bi­ne­ne, Rafael Rosell at Michelle Madrigal at panoorin ang kanilang pinakamatitinding performances!

Maki-headbang sa pangatlong installment ng Rock-Rakan com­petition, na lalo pang paaangha­ngin ng dalawang super-ener­getic rock bands na Parokya ni Edgar at Kamikazee!

 

Show comments