Janice humagulgol nang tanungin ni Gerald tungkol sa kasal!

MANILA, Philippines - Bumuhos ang emosyon ng actress-TV host na si Janice de Belen sa special birthday interview na ipalalabas ngayong Sabado (Nobyembre 10) sa  Showbiz Inside Report ng ABS-CBN.

Sa espesyal na panayam ng kanyang anak sa  Budoy na si Ge­rald Anderson, bu­ong pusong inilahad ni Janice ang nilalaman ng kanyang puso bi­lang isang ina, aktres, at babaeng nagmamahal.

At nang tanungin si Janice ni Gerald kaugnay ng buhay pag-ibig nito at kung may balak pa itong magpakasal muli, hindi naiwasan ng aktres na mapaluha habang sumasagot.

“Siguro ang mission ko talaga sa mundo is to be a parent,” pahayag ni Janice. “Risk everything ako pagda­ting sa love. It’s supposed to be the best thing in the world pero dapat sarili mo muna ang mahalin mo.”

 

Show comments